Showing posts with label grand lotto. Show all posts
Showing posts with label grand lotto. Show all posts

Blah Blah Blogs Lotto Loco U!



NO WINNER


Yan ang nais mong makita kapag dumaan ka sa isang lotto outlet tungkol sa resulta ng 6/55 grand lotto. Sa ngayon nasa higit kumulang P600 milyon na ang premyo sa naturang laro ng tsamba at matinding swerte. Ito na nga ang pinakamalaking papremyo sa kasaysayan ng laro at sa buong bansa. Isipin mo nga na sa isang iglap, maari kang maging higit sa kalahating-bilyonaryo mula sa buhay mo ngayon. Isang bagay na bihirang mangyari sa higit na 92 na milyon na Pilipino ngayon.

Pero sino kaya ang makakakuha nun? Ako rin ay interesado sa larong ito pero sinigurado ko na hindi ako lalagpas saaking buget, isang taya kada laro at sapat na. Ayon sa probability ang tyansa ng panalo sa ganitong uri ng lotto ay aabot ng 1 sa 28, 989, 675.  Mas malaki pa ang tyansa na mataaan ka ng kidlat sa ganitong pagkakataon. Pero mas mainam na na ang maging isang probability kaysa sa wala. Kung tutuusin, sa PSCO din mapupunta ang pondo. Na nakita ko naman ay nakaktulong sa mga mahihirap dahil minsan umabot din sa punta na kami ay humini ng tulong sa nasabing ahensya. 

Malaking palaisipan kung ano ang magagawa mo sa higit na kalahating biyong piso. Siguro halata sa akin kapag ako ang nanalo, dahil maari na hindi na ako mag blog at hindi na rin ako makikita ng aking mga kaibigan. At malamang ay magiging kaibigan ko silang lahat kahit ang mga kaaway ko. Yan ang kapangyarihan ng pera. Harinawa na kung ako ma'y palarin sana ay hindi ako masilaw at magbago ang ugali dahil sa aking kalagayan. Pero malay natin, iba na kapag naroon ka na sa sitwasyon. Malamang nagparetoke na rin ako at nagpalit ng pangalan. Marami pa akong pwedeng gawin, pero malayo pa rin ang estado ko sa paanan nina Lucio Tan at Henry Sy. 
Bukas ay may isa na namang draw, good luck sa ating lahat, nagbawas na nga tayo ng minumum na bente na taya na i-times mo sa milyong Pinoy na "nagbabasakali" na mahagipan ng suwerte. Nais mo pa bang makita ang NO WINNER sign, o handa ka na bang mabago ang buhay mo...?
So bilang isa sa 28,989,675 na probability para sa higit sa kalahating BILYON, hindi masama ang pumusta, pero ito na ay magiging masama kapag hawak na nito ang takbo ng buhay mo. 
Bilang public service, handa na rin akong mag post ng mga winning numbers...


Grand Lotto 6/55

04-41-40-55-42-45

Php 633,911,065.20, no winner
Draw Date: 11/24/2010

Kaya sali na tayong lahat sa Lotto Loco U!

Meet the real and imaginary friends of “IF” with the new character posters. George Clooney, Bradley Cooper, Steve Carell, and more lend their voices to the fun fantasy comedy.

Imaginations literally run wild in the world of “IF,” where everyone’s imaginary friends become not-so-imaginary. Check out the whimsical ch...