Nais Kong Maging Hapon




Nais kong maging Hapon
Isang hapong ‘di marunong mag- Filipino
Hapon na hindi alam ang Pilipinas
Nihonjin sa puso at diwa

Babad sa teknolohiya ng Akihabara
Maging ninja, Maglaro ng Shougi
O magtsaa sa bundok Fuji
Isang aktibong deboto ng Shinto

Maglaro ng yelo sa Sapporo
Sumakay ng Shinkansen Araw-araw
Mabakasyon sa Naha sa tag-init
Maging samurai at mag-hara kiri

O di kaya ay gumawa ng manga
Anime, Hentai at Sentai
Magsulat ng Kanji
Katakana, at Hiragana

Magbilang ng Tenki, Gatsu at Jikan
Magbilang ng Yen at sen
Magbabad sa mga onsen
Manood ng No at Kabuki

Bumati ng Konichiwa
Magpaalam ng Sayoonara
Kumain ng Ramen at Takoyaki
Yakisoba at Shushi

Mamasyal sa Okinawa
Sa Lungsod ng Nagasaki at Nara
Magdrive ng Honda at Toyota
Sa mga lansangan ng Shibuya

Ngunit bakit kailangan kong maging hapon?
Upang masayang buhay ay magkaroon
Mangibang bansa para makisama
At mabuhay upang lunukin ang kanilang kultura

Pinoy na nga ako noong isinilang
Ngunit kaunlara’y sa ibang bayan ay nakita
Na nais ko rin tuklasin at maranasan
Ang kanilang mga bagay na sa aki’y nagpahanga

Hindi ko lang nais maging hapon
Maging Kano ay ninais ko na rin
Malay, Intsik, Thai, at Europeo
Lahat na ng lahi, wag lang Pilipino

Bakit di ko ba mahal ang bayan ko?
Dahil wala ba dito ang hinahanap ko?
O hindi sapat ang mayroon dito?
Sa tingin ko, ang mata ko’y bulag

Sanay na kasi ako sa mabigat na trapik,
Pandesal, itlog at dyaryo
Sa dumadaan na puto at taho
At sa mga tao nagtratrabaho

Sawa na yata ako sa ating mga tanawin
Na bundok, dagat at buhangin
Sa mga bagyo na may kakatuwang pangngalan
At sa Lupang HInirang na aking kakantahin

Ngunit nais ko palang maging pinoy muli
Kumain ng Balot at sumakay ng Jeep
Makipagbalagtasan, Makipagtsimisan
Magtext ng walang hangan

Balikan ang Boracay, Palawan at Cebu
Lumamon ng pulutan at tumunga ng beer
Makipatintero, Mag-arnis at escrima
Bumati ng Mabuhay at Kamusta

Akala ko na ang pinoy ay bunga lang
Ng pinaghalong kastila, kano at hapon
Lagyan ng ibang sahog
Hayan! Pilipino ang tawag diyan

Yun pala nasilaw lang talaga ako
Sa kinang at ganda ng bansa nila
Tama nga ang mga siinabi nila
“Kay tagal mong nawala, babalik ka rin”

Yun pala ang pinoy, sa una’y bansa’y itatakwil
Pero kinalaunan matututo itong mahalin
Nais ko pa rin na maging Hapon
Pero higit na nais kong maging Pilipino

Blah Blah Blogs! -praktis edition-

Hay naku, nais ko na talagang magkaroon ng sarili kong laptop, kahit PDA man lang para maisulat yung mga nasaisip ko saaraw-araw. napapansin ko na tila nadadala lang ng hangin yung mga iniisip kong mgaideya at kwento na nais kong maisulat. inusumpong nga ako ng sakit ng mga manunulat, ang pagnanais sumulat ng wala sa oras at lugar. Isa pa, hindi ko pa naman ito ang pangunahing pinagkakakitaan ko, hobby pa lang ika nga. Pero ayon nga sa isang fan ni Jessica Zafra, (translate ko lang sa tagalog, nakaka-nosebleed kasi) Kung ang pagsusulat ang hanapbuhay mo, kailangan mong gawin ito dahil sa mayroong deadline. Pero kung gusto mo lang ang magsulat, bihira na ang magkaroon ng isang inspirasyon upang makasulat ka ng minsan sa loob ng isang buwan.
Actually nakakafustrate talaga ang ganung kalagayan, pero sabi ko nga, sakit nga ito, may lunas ngunit maaring bumalik pa rin. Dapat nga ay natatapos ko na ang kalahati ng libro ko pero tila wala akong oras para bigyan ito ng pansin. Maraming pag-eedit, proof reading at surveying pa ang ginagawa ng utak ko para mahikayat ang aking atensyon para sa pagsusulat. Sakit rin yata naming mga writer ang pag-eexpect sa ano ang magiging reaksyon ng tao sa gawa namin. Matutwa ba sila, o magagalit ba sila? Maihahtid ko ba ng tama yung nais kong iparating o baka ma-misinterpret pa nila. Tuloy sa huli, tenga pa rin. Heto na ang mga gagampa, sasaputan na yung gawa ko.
In fairness, mahirap talagang makakuha ng inspirasyon. Kung kailangan mo ng reference, kailangan mo pang mag-research, syempre. Pero minsan, ang experiences ko sa araw-araw ang nagiging inpirasyon ko. Kung mayroon man akong nais na italakay na hindi ko naranasan, nakikinig ako sa kwento ng ibang tao, pero sinisigurado ko na totoo naman ito at hindi kathang isip lang nila. Kung gayunman, sana sila na lang ang naging writer.
Mayroon pa pala akong hindi pa nararanasan, ang matangihan ng publisher. Kasi nga bago pa lang at wala pa akong compilation na maaring ilimbag, eh wala nga akong alam na pulisher, maliban na lang sa multiply ay blogspot, free zone. Pero kung umabot na ako sa ganung level, OK lang sa akin na matangihan sa una, ika nga nila, try and try util you die. Parang sasabak lang ako sa rebulusyon ng Katipunan.
Natutuwa ako sa mga taong may naisulat na libro, kahit na ung binebenta sa bangketa na "abakada" book, astig kasi dahil naisulat mo ito sa papel at marami ang gumagamit nito. Yun nga lang nanatili ba sa kanila? Mas natutuwa ako sa mga libro na mayroong magandang kwento at pilosopiya ng ekpresyon ng damdamin nila, liberal ika nga. Pero minsan na tuturn-off ako sa mga librong masyadong minamarket tulad ng Harry Potter at Da Vinci Code, na bumenta dahil sa kontrobersiya at hindi sa laman, minsan ginagawa pang pelikula pero kulang sa orihinal na libro. Hindi naman sa ayaw ko sa kanila, pero parang nahaharangan na kasi yung ibang libro na maganda rin ngunit hindi masyadong napakilala.
Moving on, wala na pala akong oras para mag blah blah blog. Kainis no? nambibitin pa ako pero hindi ko makakalaban ang oras, kailangang sumunod... next taym pramis
Sige...

Si Rizal sa Call Center part 2.3


Part 2.3


Natapos na ang interbyu. Tulad ng dati, lagpak. Ang sabi nila sa akin marami daw akong dapat pagbutihin at ayusin,tulad ng pagbigkas ko, halata daw na bisayan aksent ko. Pati daw grammar ko, mailito daw ang kustomer. At isa pa daw ang sagot ko sa ilan tanong ay sabog sabog. Sus Ginuo! Ano ba yang pamantayan nila! Hindi naman ako perpektong tao! Bakit ba kailangan ng ganung mga pamantayan, eh sasagot kalamangng tawag, di ba? Kung may pera lang kami, sana ay nag-aaral pa ako hangang ngayon. Pero hindi eh, mahirap lang kami, ito ang katotohanan.

At bakit ba dito (Call Center)? Kasi "sabi" sa akin ito ang usong trabaho at hindi na kailangan na makatapos ka ng kulehiyo. Di naman ako mapili sa trabaho, lalo na kailangan namin ng pera. Kung iniisip niyo kungbait ayaw ko ng service krew sa fastfood ay dahil nabaon kami sa utang sa pagbabayad ng nawalang pera sa kahera na duda ko yung manigir ko ang kumuha. Dahil dito, hindi ko na napagpatuloy ang kurso kong narsing. Naisip ko ring mag-care giver, pero wala na kaming pera para sa pagte-training ko at placement fee. Sabi ng mga kaibigan ko na pumasok na lamang dito kasi, yun nga. Tapos di ko na kailangan na umalis ng bansa. Makakahalubilo daw ako ng mga mayayaman ay sosyal na tao, yun nga lang hindi rin ako ganun. Sabi rin nila na kapag nakapasok ako dito, matututo ako sa kultura ng mga Amerikano. Kaya nga nung mga unang araw ng pag-aaplay ko ay bumili pa si Nanay ng mga DVD na Inglis para matuto daw ako, kaso nga lang hindi ako natuto, dumugo lang ang ilong ko.

Parehong bisaya ang mga magulang ko. Kapwa taga Cebu, na lumuwas ng Maynila upang makipagsapalaran. Hindi kami pinalaki sa pagsaslita ng Inglis kundi bisaya. At ano ba ang makukuha namin kapag nagsasalita kami nun, wala di ba?

Hirap pa rin ako makaintindi lalo na kapag Inglis ang usapan. At batid ko na hindi talaga ako matuto kapag wala akong kausap ng diretsong Inglis? Magulang ko? Mga Kapatid ko? Kaibigan? Maging gf ko nga hindi ko kinakausap ng Inglis, sa tixt lang siguro..
Pero ang mahalaga ay ang makakuha ako ng anumang trabaho, 'wag lang yun nabangit ko. Malapit na kaming putulan ng kuryinte at tubig. Maging an g renta sa bahay ay pinagbantaan na kami na umalis kaagad kung hindi kami makakbayad.

Kung pwede lang magmakaawa, sana ginawa ko na sa interbyu, matangap lamang ako. Pero wala talaga akong magawa kundi ang magbuntong-hiniga. At magdasal na sana ay may milagrong magyari sa akin, makapulot man ng limpak na salapi, o tumama sa lotto.

Isang araw habang patungo ako sa department store ng isang mall upang maghanap ng trabaho, ito man ay maging saleman o tindero, Ok lang sa akin. malayo pa lamang ay nagdadasal na ko na mayroong bakante sa kanilang bulletin board. Ngunit habang palapet na ako sa department store ay mayroon akong nakitang pamelyar na mukha. Tila naklala ko na siya noon, pero di ko maalala. Teka... Oo nga! Siya yung nag-interbyu sa akn noong isang araw sa isang call center na malapit lamang. Nang makita niya ako, kaagad niya akong nakilala, di ko alam kung bakit sa lahat ng mga taong tinatanong niya nalala niya ako.

"O, musta? di ba ikaw yung nag apply ka sa amin noong isang araw di ba? Nakahanap ka na ba ng trabaho?" sa kanyangpagbigkas ng Tagalog natuwa ako at hindi ako duduguin sa pagsagot sa Inglis. "Di pa po eh. Eto nga po eh, naghahanap po ako ng dito sa mall, nagbabakasakali na may trabaho akong makuha dito" may pakiramdam akong sana ay matulungan niya ako sa pag-bukas muli ng kaso ko sa kanila. "Talaga?, well di kta matutulungan dahil hindi ka nga pumasa sa interview namain" sa pagbangt niya nito, gumuo na ang panibagong pag-asa ko ngunit may humabol na pasalta, " Pero kung gusto mo talaga ng trabaho, marami kaming kailangan sa maintainace namin... dun sigurado matutulungan kita, yun ay kung hindi ka mapili...

"TRABAHO?"... napaisip ako kaagad... deal or no deal? Tila nagbago ang kapalaran ko, nilalapitan na ako ng pagkakataon, magulo ang isip ko, hindi ko alam kung sasagot ako agad o mag-iisip ng matagal. "OK lang po hindi naman po ako mapili"


itutuloy...

EmO TaLeS!




I was just wondering
when this subculture emerged
that is an oxymonron in the making
but today's biggest trend

mistakenly identified
as goth, trashers and punk
Yeah, they for love black
but, they aren't the only ones

Emo... this perfectly fits it
Emotion is the key
personality is the attitude
regrets is it fuel

Man evolves
Emo revolves
we think of others rarely
they think of themselves deeply

They come in forms
yet looks like in uniform
all are in the same mood
to be lonely, but still be good

Yes they do cry a lot
even with reasons far too simple to bear
yes they also smile
but each has a subliminal lonliness

They write letters
Post Pictures
Like us... yet there is a difference
and it is very contagous

Suicide, always on their suggestions
Self-Infliction, an act of purging
Mourning, a ritual of renewal
Sobbing, the first requirement


Some appreciate them
Some depreciate them
Some hate them very much
Some love them very much

I could say I'm not one
I would say that they are not bad
I've sholdn't be wasting my time with this
but I can say I'm interested.

Emo or Not
That is the question...
But when you see them
they provide the solutions

Go forth, Spead your love, but please not the virus

You are an Emo?
make one deal

Si Rizal sa Call Center part 1.1



Part 1.1

"Hello, haw kan I help you?" hindi ko alam kung ako nga ang may problema o mali lang ang narinig nila. Isa pa. "Hi Good Day to you all, haw kan I help you?" Maayos naman hindi ba?
tinignan ko ang orasan... putik! malalate na ako sa interbyu ko! Ano ba yan! baka hindi na naman ako matangap! ang layo pa nang pupuntahan ko. Trapik pa. Diyos ko, ano bang nangyayari sa buhay ko, akit palagi na lang ganito.

Sa pagsakay ko ng jeep patungo ng alabang, nakasalubong ako ng matinding trapik. Sheet naman! palagi na lang ganito, kaya siguro di ako matangap-tangap sa trabaho. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, minsan inisip ko na sana tumalon na lang ako at lumipad papunta sa inaaplayan ko. 10 minuto pa, sa lagay ng trapik may uusad naman medyo matagal nga lang. napabuntonghininga na lang ako. Pero, himala umusad ang mga sasakyan. At unti-unti bumalik ang pag-asa sa aking puso, may oras pa, maychance pa ako, sige lang, wala na sanang trapik.
Yes,dininig yung dasal ko. Isang minuto na lang late na sana ako. Yun nga lang hingal nahingal pa ako pagdatig ko sa receptionist ng kompanya. "Umm...hhhhuhhi I'm here for da interbiew, here is my resumé". "Okay, please just wait until your name is called" pangiting sinabi ng babae sa akin. Napatungo na lang ako sa pagsang-ayon. Napaupo na lang ako sa hilera ng mga upuan , kasama ang ilan sa mga aplikante na katulad ko.

May oras na ako upang huminga, pero bibilis ulit ito sa pagsalang ko na sa intebyu. Hay naku. Bigla naman bumagal ang oras para sa akin sa paghihintay. Bakit ganun? bakit kung kailangan ko ng oras laban sa trapik parang ang bilis ng oras. Isa pa hindi pa nagtetext yung gf ko. Akala ko full support siya sa akin, ang tinext lang niya sa akin yung mga quotes na "God Bless", "Have a nice morning", at "Mwah". Oo nga nagtetext siya pero lalo lang yata akong kinabahan, ewan ko, basta bahala na...

Lumabas ang isang babae na may dalangmaraming papel, "Attention, people please proceed to the interview room over there. Okay, let's start...Marcus, uhmm... De Escueta, Padilla, Saliente,..."

Sapat na sa akin na marinig ang Saliente, hindi ko na iintindihin ang pangalan ng iba pa, lalo lang akong kinakabahan. Kahi man sa pangngalan mas nais kong tawagin sa aking apelyido, Saliente, magaling. Hindi kasi ako naging magaling sa anuman, sa pag-aaral, sa sports, wala nga akong talento na maipagmamalaki. Buti na lang may babae pang nagmahal sa akin, hindi ko nga lang alam kung mahgal niya ako sa aking buong pagkatao o mahal lang niya ako dahil naawa siya sa akin. Sa pagbangit ng babae ng pangngalan ko buti hindi niya ako tinawag sa aking unang pangngalan, baka lingunin nila ako. Pero kahit anuman ang gawin ko, hindi ko pa rin maikakalila ang aking tunay na katauhan...

"Please sit down. Now please introduce yourself one by one, then desribe someting about yourself. Is that okay?" Wika ng interviewer na kamukha ni Jessica Soho, pero may boses ni Sharon Cuneta. Sino ba ang una... teka ako yun ah!? Bad trip! Ayoko ko ngang mauna, parangnagpakamatay ako, lalo na wala akong magaya ng style sa pagpapakilala. Bigla na lang nagalanko ang utak ko. Pero kailangan kong sumagot, kung gusto ko ng trabahong ito, bahala na si Batman.

"Hi, Hello... My Name is Rizalino Salinete, you could call me Rizal for short..." Matapos nun hindi ko na maalala ang nasabi ko nung oras na iyon. Nalaman ko na lang ang realidad ay nang makaupo na ako. No Saliente

Itutuloy...

Toyota welcomes two new athletes to its Toyota Asia Team in the race to the Olympic and Paralympic Games Paris 2024

Toyota stands committed in its support for 11 Asian athletes on their journey towards taking center stage, at the Olympic and Paralympic Gam...