Nasaan Si Hesus?, Isang Pelikulang Musikal Para Sa Ating Panahon, Ipapalabas Na Sa Mga SM Cinemas Sa Disyembre 3, 2025.

Ang NASAAN SI HESUS?, isang pelikulang musical para sa atingpanahon, ay ipapalabas na sa mga SM Cinemas sa Disyembre 3, 2025.

Ang NASAAN SI HESUS? ay binubuo ng mga mahuhusay na artistang pinangungunahan nina Janno Gibbs, Rachel Alejandro, Geneva Cruz, Jeffrey Hidalgo, Marissa Sanchez, Salome Salvi, Via Antonio, Chloe Jenna, at Cecil Paz. Ipinakikilala sina Rachel Gabreza at Giani Sarita, at itinatampok ang pagganap nina Bembol Roco at Jerald Napoles. Ang mga orihinal na awit ay nilikha ni Mrs. Lourdes “Bing” Pimentel, at dulang pampelikula at direksyon ng premyadong manunulat at direktor na si Dennis Marasigan.

Ang pelikula ay hinalaw mula sa popular na dulang musikal nina Mrs. Pimentel at ng manunulat at direktor na si Nestor U. Torre.

Ang “Nasaan Si Hesus? ay tungkol sa paghahanap natin sa mga suliraning hinaharap natin,” ayon kay Mrs. Pimentel, “nguni’t ito ay tungkol din sa hangad nating matagpuan ang Diyos sa ating pang-araw-araw na buhay.

Ang NASAAN SI HESUS? ay produksyon ng Balin Remejus Inc. at Great Media Productions, Inc. para sa iba pang detalyo, magtungo sa Facebook page ng Great Media Productions and Management.

No comments:

Post a Comment