Showing posts with label Surf2Sawa. Show all posts
Showing posts with label Surf2Sawa. Show all posts

MAMAMO at Surf2Sawa: All-star Moms Bilang Bagong Brand Ambassadors, hatid ng Converge ICT

Umapaw ang kasiyahan sa paglulunsad ng MAMAMO, ang kauna-unahang P-Pop girl group na binubuo ng mga minamahal na celebrity moms, na siyang opisyal na pinakilala bilang unang brand ambassadors ng Surf2Sawa, ang prepaid fiber internet plan na unlimited, mura, at walang kontrata mula sa Converge ICT Solutions Inc.

Sa ginanap na contract signing at press conference, pormal na inilunsad ang grupo na kinabibilangan nina Melai Cantiveros-Francisco at apat na orihinal na miyembro ng SexBomb Girls: Rochelle Pangilinan-Solinap, Jopay Paguia-Zamora, Sunshine Garcia-Castro, at CheChe Tolentino. Inilunsad ang MAMAMO upang isalamin ang layunin ng Surf2Sawa na makipag-ugnayan sa “ilaw ng tahanan”: tagapangalaga, tagapayo, at bukal ng saya sa bawat tahanan.

Ayon kay Mr. Dhing Pascual, Vice President at Business Unit Head ng Surf2Sawa: “Ang campaign na ito at ang paglulunsad ng MAMAMO ang diwa ng Surf2Sawa: masigasig, makatao, at laging konektado,”