Blah Blah Blogs! -praktis edition-

Hay naku, nais ko na talagang magkaroon ng sarili kong laptop, kahit PDA man lang para maisulat yung mga nasaisip ko saaraw-araw. napapansin ko na tila nadadala lang ng hangin yung mga iniisip kong mgaideya at kwento na nais kong maisulat. inusumpong nga ako ng sakit ng mga manunulat, ang pagnanais sumulat ng wala sa oras at lugar. Isa pa, hindi ko pa naman ito ang pangunahing pinagkakakitaan ko, hobby pa lang ika nga. Pero ayon nga sa isang fan ni Jessica Zafra, (translate ko lang sa tagalog, nakaka-nosebleed kasi) Kung ang pagsusulat ang hanapbuhay mo, kailangan mong gawin ito dahil sa mayroong deadline. Pero kung gusto mo lang ang magsulat, bihira na ang magkaroon ng isang inspirasyon upang makasulat ka ng minsan sa loob ng isang buwan.
Actually nakakafustrate talaga ang ganung kalagayan, pero sabi ko nga, sakit nga ito, may lunas ngunit maaring bumalik pa rin. Dapat nga ay natatapos ko na ang kalahati ng libro ko pero tila wala akong oras para bigyan ito ng pansin. Maraming pag-eedit, proof reading at surveying pa ang ginagawa ng utak ko para mahikayat ang aking atensyon para sa pagsusulat. Sakit rin yata naming mga writer ang pag-eexpect sa ano ang magiging reaksyon ng tao sa gawa namin. Matutwa ba sila, o magagalit ba sila? Maihahtid ko ba ng tama yung nais kong iparating o baka ma-misinterpret pa nila. Tuloy sa huli, tenga pa rin. Heto na ang mga gagampa, sasaputan na yung gawa ko.
In fairness, mahirap talagang makakuha ng inspirasyon. Kung kailangan mo ng reference, kailangan mo pang mag-research, syempre. Pero minsan, ang experiences ko sa araw-araw ang nagiging inpirasyon ko. Kung mayroon man akong nais na italakay na hindi ko naranasan, nakikinig ako sa kwento ng ibang tao, pero sinisigurado ko na totoo naman ito at hindi kathang isip lang nila. Kung gayunman, sana sila na lang ang naging writer.
Mayroon pa pala akong hindi pa nararanasan, ang matangihan ng publisher. Kasi nga bago pa lang at wala pa akong compilation na maaring ilimbag, eh wala nga akong alam na pulisher, maliban na lang sa multiply ay blogspot, free zone. Pero kung umabot na ako sa ganung level, OK lang sa akin na matangihan sa una, ika nga nila, try and try util you die. Parang sasabak lang ako sa rebulusyon ng Katipunan.
Natutuwa ako sa mga taong may naisulat na libro, kahit na ung binebenta sa bangketa na "abakada" book, astig kasi dahil naisulat mo ito sa papel at marami ang gumagamit nito. Yun nga lang nanatili ba sa kanila? Mas natutuwa ako sa mga libro na mayroong magandang kwento at pilosopiya ng ekpresyon ng damdamin nila, liberal ika nga. Pero minsan na tuturn-off ako sa mga librong masyadong minamarket tulad ng Harry Potter at Da Vinci Code, na bumenta dahil sa kontrobersiya at hindi sa laman, minsan ginagawa pang pelikula pero kulang sa orihinal na libro. Hindi naman sa ayaw ko sa kanila, pero parang nahaharangan na kasi yung ibang libro na maganda rin ngunit hindi masyadong napakilala.
Moving on, wala na pala akong oras para mag blah blah blog. Kainis no? nambibitin pa ako pero hindi ko makakalaban ang oras, kailangang sumunod... next taym pramis
Sige...