Nais Kong Maging Hapon




Nais kong maging Hapon
Isang hapong ‘di marunong mag- Filipino
Hapon na hindi alam ang Pilipinas
Nihonjin sa puso at diwa

Babad sa teknolohiya ng Akihabara
Maging ninja, Maglaro ng Shougi
O magtsaa sa bundok Fuji
Isang aktibong deboto ng Shinto

Maglaro ng yelo sa Sapporo
Sumakay ng Shinkansen Araw-araw
Mabakasyon sa Naha sa tag-init
Maging samurai at mag-hara kiri

O di kaya ay gumawa ng manga
Anime, Hentai at Sentai
Magsulat ng Kanji
Katakana, at Hiragana

Magbilang ng Tenki, Gatsu at Jikan
Magbilang ng Yen at sen
Magbabad sa mga onsen
Manood ng No at Kabuki

Bumati ng Konichiwa
Magpaalam ng Sayoonara
Kumain ng Ramen at Takoyaki
Yakisoba at Shushi

Mamasyal sa Okinawa
Sa Lungsod ng Nagasaki at Nara
Magdrive ng Honda at Toyota
Sa mga lansangan ng Shibuya

Ngunit bakit kailangan kong maging hapon?
Upang masayang buhay ay magkaroon
Mangibang bansa para makisama
At mabuhay upang lunukin ang kanilang kultura

Pinoy na nga ako noong isinilang
Ngunit kaunlara’y sa ibang bayan ay nakita
Na nais ko rin tuklasin at maranasan
Ang kanilang mga bagay na sa aki’y nagpahanga

Hindi ko lang nais maging hapon
Maging Kano ay ninais ko na rin
Malay, Intsik, Thai, at Europeo
Lahat na ng lahi, wag lang Pilipino

Bakit di ko ba mahal ang bayan ko?
Dahil wala ba dito ang hinahanap ko?
O hindi sapat ang mayroon dito?
Sa tingin ko, ang mata ko’y bulag

Sanay na kasi ako sa mabigat na trapik,
Pandesal, itlog at dyaryo
Sa dumadaan na puto at taho
At sa mga tao nagtratrabaho

Sawa na yata ako sa ating mga tanawin
Na bundok, dagat at buhangin
Sa mga bagyo na may kakatuwang pangngalan
At sa Lupang HInirang na aking kakantahin

Ngunit nais ko palang maging pinoy muli
Kumain ng Balot at sumakay ng Jeep
Makipagbalagtasan, Makipagtsimisan
Magtext ng walang hangan

Balikan ang Boracay, Palawan at Cebu
Lumamon ng pulutan at tumunga ng beer
Makipatintero, Mag-arnis at escrima
Bumati ng Mabuhay at Kamusta

Akala ko na ang pinoy ay bunga lang
Ng pinaghalong kastila, kano at hapon
Lagyan ng ibang sahog
Hayan! Pilipino ang tawag diyan

Yun pala nasilaw lang talaga ako
Sa kinang at ganda ng bansa nila
Tama nga ang mga siinabi nila
“Kay tagal mong nawala, babalik ka rin”

Yun pala ang pinoy, sa una’y bansa’y itatakwil
Pero kinalaunan matututo itong mahalin
Nais ko pa rin na maging Hapon
Pero higit na nais kong maging Pilipino

Blah Blah Blogs! -praktis edition-

Hay naku, nais ko na talagang magkaroon ng sarili kong laptop, kahit PDA man lang para maisulat yung mga nasaisip ko saaraw-araw. napapansin ko na tila nadadala lang ng hangin yung mga iniisip kong mgaideya at kwento na nais kong maisulat. inusumpong nga ako ng sakit ng mga manunulat, ang pagnanais sumulat ng wala sa oras at lugar. Isa pa, hindi ko pa naman ito ang pangunahing pinagkakakitaan ko, hobby pa lang ika nga. Pero ayon nga sa isang fan ni Jessica Zafra, (translate ko lang sa tagalog, nakaka-nosebleed kasi) Kung ang pagsusulat ang hanapbuhay mo, kailangan mong gawin ito dahil sa mayroong deadline. Pero kung gusto mo lang ang magsulat, bihira na ang magkaroon ng isang inspirasyon upang makasulat ka ng minsan sa loob ng isang buwan.
Actually nakakafustrate talaga ang ganung kalagayan, pero sabi ko nga, sakit nga ito, may lunas ngunit maaring bumalik pa rin. Dapat nga ay natatapos ko na ang kalahati ng libro ko pero tila wala akong oras para bigyan ito ng pansin. Maraming pag-eedit, proof reading at surveying pa ang ginagawa ng utak ko para mahikayat ang aking atensyon para sa pagsusulat. Sakit rin yata naming mga writer ang pag-eexpect sa ano ang magiging reaksyon ng tao sa gawa namin. Matutwa ba sila, o magagalit ba sila? Maihahtid ko ba ng tama yung nais kong iparating o baka ma-misinterpret pa nila. Tuloy sa huli, tenga pa rin. Heto na ang mga gagampa, sasaputan na yung gawa ko.
In fairness, mahirap talagang makakuha ng inspirasyon. Kung kailangan mo ng reference, kailangan mo pang mag-research, syempre. Pero minsan, ang experiences ko sa araw-araw ang nagiging inpirasyon ko. Kung mayroon man akong nais na italakay na hindi ko naranasan, nakikinig ako sa kwento ng ibang tao, pero sinisigurado ko na totoo naman ito at hindi kathang isip lang nila. Kung gayunman, sana sila na lang ang naging writer.
Mayroon pa pala akong hindi pa nararanasan, ang matangihan ng publisher. Kasi nga bago pa lang at wala pa akong compilation na maaring ilimbag, eh wala nga akong alam na pulisher, maliban na lang sa multiply ay blogspot, free zone. Pero kung umabot na ako sa ganung level, OK lang sa akin na matangihan sa una, ika nga nila, try and try util you die. Parang sasabak lang ako sa rebulusyon ng Katipunan.
Natutuwa ako sa mga taong may naisulat na libro, kahit na ung binebenta sa bangketa na "abakada" book, astig kasi dahil naisulat mo ito sa papel at marami ang gumagamit nito. Yun nga lang nanatili ba sa kanila? Mas natutuwa ako sa mga libro na mayroong magandang kwento at pilosopiya ng ekpresyon ng damdamin nila, liberal ika nga. Pero minsan na tuturn-off ako sa mga librong masyadong minamarket tulad ng Harry Potter at Da Vinci Code, na bumenta dahil sa kontrobersiya at hindi sa laman, minsan ginagawa pang pelikula pero kulang sa orihinal na libro. Hindi naman sa ayaw ko sa kanila, pero parang nahaharangan na kasi yung ibang libro na maganda rin ngunit hindi masyadong napakilala.
Moving on, wala na pala akong oras para mag blah blah blog. Kainis no? nambibitin pa ako pero hindi ko makakalaban ang oras, kailangang sumunod... next taym pramis
Sige...

Coldplay & BTS Collaborate for "My Universe" Single Out Now

Coldplay have today released their much-anticipated collaboration with BTS. My Universe, which was written by Coldplay and BTS and produced ...

ADSENSE