AKO MISMO... a good advocacy or just a venue to sell dog tags?

Siguro aware naman kayo sa AKO MISMO, yung commercial na lumabas sa laban ni pacquiao at hatton. Maraming artista. At bawat isa ay may saloobin ng kanilang gagawin para sa bayan. Actually, I did register sa site na yun, just to join in the cause for doing something for the country. Wala naman problema sa kanilang ginagawa dahil totoo naman, ang bawat isa ay may dapat gawin para sa bayan para sa ikabubuti nito. Medyo na-iintriga ako sa statement nila, yung dogtags. Sa totoo lang, maganda yung design at cool nga siyang tignan (kasi naman sa commercial black and white). Personally, sa mga taong nagregister o sumama sa advocacy, hangad lang ang dogtags... siguro dahil ito na ang next fashion statement. Hindi naman nagiging makabayan ang isang tao sa mga dog tags (na actually hindi libre at ilalaunch pa sa june 12 daw). At hindi rin malinaw sa mga ads o maging sa website kung ano ang pwedeng gawin ng indibidwal para sa pagbabago. Ano ba ang tangible o intangible results na gusto nilang mangyari. Maraming pera ang ginastos sa ads, sa paggawa ng dog tags, at pagbuo ng website, tapos ano?
Bakit hindi nila gayahin ang Gawad Kalinga, hindi naman sila nag-ad nung nilaunch yun, as in volunteers lang ng CFC at networks ang nagbuo noon at pagdaan ng panahon ay mas lumaki at na fefeel ng mga participants ang spirit ng bayanihan para mabigyan ng pabahay ang mga mahihirap. Yun sa akin ang mga advocacy na very successful in the past few years lang.
Hindi ako galit sa bumuo ng konseptong ito, pero tila maraming butas ang nakikita ko at lalo lang naliligaw ang tao dahil ang tanong AKO MISMO ANONG GAGAWIN KO? Ako rin hindi ko alam kung saan magsisimula.
Siguro ay kailangan talagang bigyan ng malinaw na vision ang advocacy na ito, oo marami namang tao na gumawa ng mga bagay na nakatulog sa bansa, eh paano ang nakararami?
At sa kikitain nila sa dog tags (kikitain syempre dahil magagamit ito bilang pondo para sa samahan, hindi naman masama unless gamitin sa ibang "project") saan ito mapupunta? sino ang mga beneficiaries? kasama ba dyan ang paglaban sa Global warming?
Paano kung magsawa ang tao sa dogtags kasi hindi na uso, patay na rin ba ang advocacy? Baka maging ningas kugon after ilang months o sa isang taon lang.
Sabi nga sa milo, great things start from small beginings, why not start off quietly but effectively. Baka kasi pagwala nang nag-ad o fashion statement, hindi na tangkilin ng masa yan. Likas naman sa pinoy na maging makabayan, pero para manatili sa kanya ito ang hamon sa atin.
Sa totoo lang din, may kumalat pang balita na ginagamit lang daw ang samahang ito para daw sa eleksyon, data base ika nga. Pero sa tingin ko, hindi naman siguro. Bukod sa GK, marami pa akong alam na mga organizations and movement na kahit sa maliit na komunidad ay malaki ang pinagbago ng kanilang lugar. Kung meron man makabasa nito mula sa AKO MISMO, bukas naman kami sa inyong paliwanag, tila marami kasing tanong na hindi nabibigyan ng linaw.
Hindi ko kailangan ng dog tag para sumama sa kilusan ng pagbabago. Dapat may Impluensya, charismatic words na tatatak talaga sa tao at hindi entertaiment lang. May Vision, ano ang specific outcome, malinaw na target at mga gagawin upang maabot ito. At Transparency kung saan at sino ang mga makikinabang. Hindi ba yan ang gusto natin sa gobyerno?
Bilang pagtatapos, sana hindi samantalahin ang magandang layunin na baguhin ang bansa na magsisimula sa bawat isa. Mahirap talaga, di biro na magbago ang puso mo at maging mabuting mamayanan. Pero kapag naglaon at naging habit na natin ang mga mabuting gawa, maipapasa natin ito sa susunod na henerasyon, siguro wala namang kokontra dyan di ba? At sana ang blog na ito ay hindi naman sinisiraan kayo, kundi ipakita ang mga bagay na kailangan ng paliwanag.

yey!


may LSS pa rin ako ng careless whisper...

may LSS pa rin ako ng careless whisper...

ang kanta sa mga careless na kumuha ng scandals
ang anthem ng mga careless sa bayan
ang himig ng mga taong may "guilty" feet na walang rhythm
oo madaling mag prentend, pero anong akala sa atin, fool?
tila whisper lang ang katotohanan, was the music seem too loud?
or you want to loose the crowd.
Sabi nga, I'll never dance again,
bakit marami pa ang gusto mag chacha?
maybe its better this way
But We'd already hurt each other with the things we'd say
at sa ingay ng tugtugin
hindi na natin namamalayan, ang mainit na tag-ulan dahil sa global warming
ang kakulangan ng gamit at titser sa mga paaralan.
dumadami na ang kaso ng H1N1.
habang busog ang mata natin sa skandalo
ang tyan ng marami nating kababayan ang kumukulo
lahat nais magmalinis
lahat nais magpanda ng imahe sa bayan
para sa anong dahilan?
oops! hindi ako careless...
whisper ko na lang


Careless Whisper (Live with Dave Koz) - Regine Velasquez

I won GCs fot I republic from the TV show TEN:the evenng news !

grabe, katuwaan ko lang pero nanalo ako ng GCs from the TV5 show ten:the evening news!
paunahan ang game pero ako yung nakapost ng tamang sagot kaya hayun.
so ano naman?
well ito ay testament na hindi tayo pinababayaan ni Lord. grabe kung magshower. at syempre kasama ko kayo sa pagcelebrate ng isa na namang panalo ko this year! yeah! ano pa kaya ang mapapalalunan ko this year..well join lang ng join!

the return of the comeback of Blah Blah Blogs! May Days 2009

Ok, first things first, its good to be back to blogging! Yey! medyo matagal nga nung nakasulat ako para sa blah blah blogs matapos ang maraming pangyayari sa buhay ko. Well, bad things first, kakaresign ko lang mula sa aking call center work, HOWEVER I am enjoying the priviledge of doing more time blogging and also focusing on my current works. Sa ngayon kasi full blast na ang KRISIS! KOMIX na sa ngayon ay webcomics pa lang. HOWEVER na naman, nakilala ko ang mga komik creators at publishers sa kakatapos na komikon summer fiesta sa UP bahay ng alumni. At dun lalo akong napahanga at na-inspire maging isang comic strip artist. Dumadami na rin ang aking network ng friendships by 30% (computed yan!). And kahit papano ay nakakalabas ako ng bahay upang gawin ang aking volunteer work. Hopefully din makabalik ako sa pag-aaral at matapos na yung kurso na magbabago ng mundo (plano kong sakupin ang daigdig ng may degree). HOWEVER again, syempre limited na ang aking kaperahan dahil sa wala na nga akong trabaho at naghahanap pa.
Sana sa mga darating na araw ay magbunga na ang aking mga plano sa buhay ( ang drama noh?) dahil syempre gusto naman natin na maging masaya at makulit ang buhay para hindi boring. Sabi nga sa commercial, ano man ang nais mo abutin mo para maabot mo ang Happiness, tama naman di ba? At lalo na sa mga bagong kong frienships and networks makakaya nga ito. Ito rin kaya ang dahilan kung bakit KRISIS! ang pangalan ng komiks ko. Lahat naman kasi tayo may ganung mararanasan, at malalagpasan natin ito (naks!)
Haay, krisis pa nga ako kaya ganito ang mga nasasabi ko... HOWeh....ok basta dahil nagbalik na ang matinding balitaan at ka-chorvahan lets party! Oo nga pala sana dalaw din kayo sa krisis! komix para makibalita at makigulo sa iba't ibang mukha ng buhay ko. At syempre add niyo na rin ako sa multiply at friendster o facebook niyo.
At nais ko lang isingit ang pasasalamat sa mga taong ito na nakatulong sa akin sa paggawa ng mga unang edisyon ng komiks ko maging sa pagsusulat ko sa internet. Sina Kuya Julius Villanueva, LiP forum mates, Hazel Manzano Chua, Adrian Fuentes at iba pa...

Susunod!

mas shocking revelations na nakaka-aw!
mas maarteng komentaryo kaysa kay kris aquino!
at mas loko lokong gawain na either nakakapukaw ng interes o nakakagago lang!
mga pasingit na balita na nakalipas na panahon tulad ng laban ni pacquiao
ang may 1 rally, ang chacha, mall ni Willy at iba pa!

Guys, ingats din pala sa kumakalat na epedmya ng A H1N1 flu na mabilis na kumakalat. Sa mga oras na ito wala pang kaso mula sa Pilipinas pero aantabayan din natin yan kasi hot topic din. Sige singit din natin ang mainit na balita sa mga scandalo ni Dr. Hayden Kho para mas mainit ang balitaan! At ang pinakakontrobersyal sa lahat, kailan ba mapupublish ang manual to lyf!?

grabe...

hindi ko na matake...

kaya abangan muli ang blah blah blogs!