Badtrip...
Tama na... ayoko na...
Hindi dapat pigilan, awatin, maging malabanan
Dapat isawalat, ipahayag at pakalatin
Ilabas ang nasa damdamin, ibulalas ang galit
Tungkol sa mga taong sumugat sa akin
Sa sobrang gigil gusto ko siyang tadtarin
Hiwain ng pinong pino, dikdikin tulad ng bawang
Kurutin sa singit, kilikili, at tagyawat
Pisilin hangang lumabas ang dugo, laman at balun-balunan
Gawing isaw at kanyang kolon
Ihawin ang atay at katawan at punuin ng latay
Isabit sa building, ihulog sa bangin
Talagang walang hiya! Anak ng pating!
Kung buhay pa siya, 'wag nang maawa
Sa matador pakihiwang mabuti
Ilagay sa rice cooker at lutuin ... Ting!
Ayos na, kung naisin ay litsunin
Sa nagbabagang impyerno at
Banlawan sa Dagat Antartiko
Tapos ihain sa mga leon, oso, at lobo
Ang natira pakain sa aso, pusa at daga
At lahat sila ay patulugin at tuhugin
Pa cremate at ilibing sa landfill
Gawing dyamante, LPG at krudo
At ibenta sa murang presyo
Ako nama'y biglang yaman
Sa mundo ako ay magtu-tour around
Iisa-isahin bawat lugar sa planeta natin
Pag-iisahin ang nagawa, ikuwento ang sarili
Patuloy sa pagyaman at siya'y kalimutan
At biglang sabihin sa sarili
"Sige, patawarin na kita,
Bago maumpisahan ang aking naisipan
na nais gawin upang mawala ka"
Cool...
Ang Balagtasan ng Makata at ng Rakista
Ni FPJ Jr.
Isang araw nagkita ang dalawang magkaibigan
Isang makata at rakistang para sa isang balagtasan
Nagsimula ang kanilang baliktaktakan
Kahit walang lakandiwa sa kanilang pagitan
Aba kaibigang rakista, handa ka na ba?
Para sa ating makabuluhang kabanata?
Balagtasan na magiging tunay na mabunga
Batid ko na ikaw ay nakahanda
Wala akong pakialam sa ‘eyong kalokohan
Mas gusto ko na sumama sa rakrakan
Kaysa sa walang kwentang balagtasan
Kung Puwede lang ‘etol ako'y pabayaan
Ngunit ito ay bihirang pagkakataon
Nagyon ay napakaganda ng panahon
Ang iyong isipan ay huwag mong ikahon
Sana ay magsilbi itong hamon
Sige, pagbibigyan kita kahit sandali
Pero huwag kang magkakamali
Kapag ako na bad trip at matulili
Baka ang buhay mo’y madali
Kaibigan huwag kang marahas
Ang nais ko lang sa sandaling lumipas
Ay magkaroon tayo ng talastas
At 'wag galit ang ibulalas
Ay ewan! Bahala ka na sa buhay mo
Alam mo naririndi na rin ako sa iyo!
Kung makitid lang ang utak ko
Nilitson na kita kanina ng buo!
Maraming talata ang nasayang
Manging oras lumipas parang sandali lang
ni isang paksa ay walang ideyang naisilang
pasensya ko na rin ay nabibilang
Eh kasi naman pareng makata
hindi sa balagtasan ang isang rakista
oo sanay nga kaming tumula
pero pasigaw kasama ang ngalangala
aba ako’y rakista rin sa baro ay salat
sa kakasigaw ng damdamin ako’y minamalat
kaya ako’y mayroong laging baong salabat
sana sa aking mga salita mata mo’y namulat
‘tol sa katunayan wala talagang rambol
Sa katunayan, tinitingala kita bilang utol
Makata ka nga at yan ay kaya mong idribol
Nabigla lang ako dahil sa mga sulsol
Pasenya na rin rakista aking kaibigan
May natutunan rin ako sa’fting balagtasan
Magkaiba man ang buhay na ating napamarisan
Magkakasundo rin tayo sa maraming dahilan
Sige ‘tol sa tingin ko’y sisibat na ako
Nalaman ko rin na napaka-astig mo
Hala, kaibigan salamat sa papuring biro
Paalam katoto, salamat na rin sa iyo
-fin-

Oda sa Friendster
Ito ay parangal sa mga nakibahagi sa isang sulok ng cyberspace
Ang masa na nagpayabong ng pagkakaibigan
Sa ibang level na samahan at chismisan
Maging higit lima o nasa umpisang taon pa lang
Kung dati ang hinihingi ay testi
ngayon comment na lang hinihingi
At sa bawat araw gusto mo palagi
iba ibang tao sa sa 'yo ay babati
Kung nahihiya sa sariling itsura
anime o artista ang ibabalandra
Kahit na sa totoo'y hindi mo kamukha
keri lang lang yan, ikaw na ang bahala
ano nga pala ang status mo?
Single , in a relation ship o it's complicated
kasing kakomplikado ng nakalagay sa profile mo
Kahit shoutout mo, quote na hindi sa iyo
Mula sa bugnuting piling kulay
hangang magcustomize na para mong bahay
Ipapakita talaga ang style mo sa buhay
basta 'wag lang masabi ang profile ay matamlay
Sa kulturang pinoy tila bahagi na ito
sa araw araw binibisita parang santo
Mas minahal ng pinoy kesa ng mga kano
myspace ang sa kanila pero dito hindi uso
Ikaw ano ba sa iyo ang friendster?
Bahagi ba o buhay mo na ito?
Syempre ang sagot niyo ay ewan ko
Hindi ko naman pinipigilan kayo
Hindi naman masama ang makipag-kaibigan
Pero ano ang halaga kung 'sang libo ang kaibigan mo
Ngunit ni isa hindi ka lubusang kilala
Sana ay hindi maging ganun
Si Rizal sa Call Cnter 3.1
"SAN MIGUEL CLEANERS" Ito ang kompanya ko ngayon. Ang ahensyang naglilinis ng maruming kapaligiran, ang nag-aayos ng matinding kaguluhan at ang isa sa mga hinahamak at minamaliit na trabaho sa bansa. Ang pagiging janitor.
Hindi ko rin lubusang maisip kung bakit ito ang kinuha kong trabaho. Dapat nga ay nasa Call Center na ako ngayon... pero kung sa bagay, isang call center nga ang pinagtratrabahuan ko ngayon. Yun nga lang hindi ako kumukuha ng tawag, kinukuha ko lang ay yung mga basura nila. Maskit man isipin na ako ay ganito, medyo nasisiyahan na rin ako dahil at least nasa call center na ako. At mayroon na akong trabaho upang pantulong kay nanay.
Sa pagdaan ko sa napakaraming cubicle ng telepono, kompyuter at walang tigil na nagsasalitang mga tao, napapaisip ako kung ako na yung nakasalang doon. mautuwa kaya ako o magsisisi? Marami ang naglalakad, marami ang nagsasalita, palipat lipat ang ilan. May ilan tila beterano na sa pagsasalita, pero may ilan din na halata ko na medyo kinakabahan pa. Malaki ang "compound" ng kompanya. At syempre hindi ko naman sakop ang lahat nito, kabilang lang ako sa isang parte nito.
Malaki ang utang na loob ko kay Ser Jun, ang tanong nagbigay sa akin sa oportunidad para sa kasalukuyang trabaho ko. At dahil nasa isang buidling lang kame, ay lagi kami nagkikita. Sa bawat araw ko sa Kol Center ay naramdaman ko na hindi na ako makakasubok o maging isang agent. Sa tuwing nakikita ko si Ser Jun may binibigay siya sa akin, mga DVD na Inglish. Ayaw ko man tanggapin dahil parang sampal sa akin ang karanasan ko, lagi akong pinapalahanan ni Ser Jun na tiyagain kong panoorin ang mga ito dahil papasok din ito sa utak ko. Bibigyan naman niya ako ng pagkakataon muli sa interview kapag handa na ako. Basic lang naman ang kailangan kong masterin at kahit bisaya ang punto ko ay mawawala din yan ayon sa kanya, purong bisaya rin pala siya.
Araw araw nanonood ako ng DVD na english. At sa mga gabing iyon, naghahanda na ako ng pamunas, ihinahanda ko na sa pagdurugo ng utak ko. Ginagaya ko minsan ang mga dialouge, "You can't understand me, look into my heart... ". Sa totoo lang, tama nga si Sir, may pagbabago nga. Pero hindi madali sa simula dahil iba nga ito sa nakasanayan ko. Pink...Fili...Philippines...tree.. three...Pi...Finish...amazing...Thank you.
Mahigit isang taon na ako sa Call Center, pero janitor pa rin. Malaki naman ang tulong sa akin ng indirect training sa english. Hinihintay ko pa rin ang pagkakataon ni Sir Jun na mag-interbyu sa akin muli. Pero pinapaasa niya lang ba ako o ginu-good time. Ayaw ko na ata umasa. I need to say goodbye to this dream
Nagulat na lang ako isang araw nang sa halip na DVD ay isang sulat ang inabot sa akin ni Sir Jun. Akala ko termination paper. Huwag naman, wala naman akong ginawang masama sa pananatili ko...teka... English Course ....tama ba ang basa ko? 1 week ... with allowance.. Muy Saliente!
At alam niyo na ata ang susunod pero ikukuwento ko na rin. Matapos ang isang linggong training pinasubok ako muli sa application at sa interbyu. Kinabahan ako uli, parang mauulit lang ang nakaraan. Hindi pa ata ako handa... bumabalik mule ang nakaraan kong gawain...Filippines...tree tausand...thenk u... ngunit hindi ko pa nabuksan ang aking bibig... at naalala ko ang DVD na napanood ko, nawala ang kaba ko, napa-sigh ako at nag simula sa pag-introduce sa aking sarili. "Hi, my name is Rizalino Saliente, you could call me Rizal for short.." at matapos nun ika nga, the rest is history..

Subscribe to:
Posts (Atom)
-
In the international sports arena, only a few Philippine teams can rival the achievements and successes garnered by Philippine National Soft...
-
Exciting News – Get ready to laugh like never before! Popular and iconic stand-up comedian Russell Peters is bringing his much-awaited RELAX...
-
As a regular listener of The Morning Rush, I got to embrace the many changes that the show has faced. With Bea and Rica to fill in the seat...
-
And you can get freebies worth Php 15,000 if you get one within December! Looking for that well-deserved gift for yourself this Christmas? ...
-
[L-R] Angie Tijam-Tohid, Executive Creative Director, HAVAS Ortega; Quezon City Mayor Joy Belmonte; Maica Teves, Executive Director, SPARK! ...