Nais kong maging Hapon
Isang hapong ‘di marunong mag- Filipino
Hapon na hindi alam ang Pilipinas
Nihonjin sa puso at diwa
Babad sa teknolohiya ng Akihabara
Maging ninja, Maglaro ng Shougi
O magtsaa sa bundok Fuji
Isang aktibong deboto ng Shinto
Maglaro ng yelo sa Sapporo
Sumakay ng Shinkansen Araw-araw
Mabakasyon sa Naha sa tag-init
Maging samurai at mag-hara kiri
O di kaya ay gumawa ng manga
Anime, Hentai at Sentai
Magsulat ng Kanji
Katakana, at Hiragana
Magbilang ng Tenki, Gatsu at Jikan
Magbilang ng Yen at sen
Magbabad sa mga onsen
Manood ng No at Kabuki
Bumati ng Konichiwa
Magpaalam ng Sayoonara
Kumain ng Ramen at Takoyaki
Yakisoba at Shushi
Mamasyal sa Okinawa
Sa Lungsod ng Nagasaki at Nara
Magdrive ng Honda at Toyota
Sa mga lansangan ng Shibuya
Ngunit bakit kailangan kong maging hapon?
Upang masayang buhay ay magkaroon
Mangibang bansa para makisama
At mabuhay upang lunukin ang kanilang kultura
Pinoy na nga ako noong isinilang
Ngunit kaunlara’y sa ibang bayan ay nakita
Na nais ko rin tuklasin at maranasan
Ang kanilang mga bagay na sa aki’y nagpahanga
Hindi ko lang nais maging hapon
Maging Kano ay ninais ko na rin
Malay, Intsik, Thai, at Europeo
Lahat na ng lahi, wag lang Pilipino
Bakit di ko ba mahal ang bayan ko?
Dahil wala ba dito ang hinahanap ko?
O hindi sapat ang mayroon dito?
Sa tingin ko, ang mata ko’y bulag
Sanay na kasi ako sa mabigat na trapik,
Pandesal, itlog at dyaryo
Sa dumadaan na puto at taho
At sa mga tao nagtratrabaho
Sawa na yata ako sa ating mga tanawin
Na bundok, dagat at buhangin
Sa mga bagyo na may kakatuwang pangngalan
At sa Lupang HInirang na aking kakantahin
Ngunit nais ko palang maging pinoy muli
Kumain ng Balot at sumakay ng Jeep
Makipagbalagtasan, Makipagtsimisan
Magtext ng walang hangan
Balikan ang Boracay, Palawan at Cebu
Lumamon ng pulutan at tumunga ng beer
Makipatintero, Mag-arnis at escrima
Bumati ng Mabuhay at Kamusta
Akala ko na ang pinoy ay bunga lang
Ng pinaghalong kastila, kano at hapon
Lagyan ng ibang sahog
Hayan! Pilipino ang tawag diyan
Yun pala nasilaw lang talaga ako
Sa kinang at ganda ng bansa nila
Tama nga ang mga siinabi nila
“Kay tagal mong nawala, babalik ka rin”
Yun pala ang pinoy, sa una’y bansa’y itatakwil
Pero kinalaunan matututo itong mahalin
Nais ko pa rin na maging Hapon
Pero higit na nais kong maging Pilipino