Blah Blah Blogs: Tribute to Michael Jackson...


Sa totoo lang hindi ako die hard fan ni Michael Jackson, pero gusto ko yung mga kanta niya. Di nga ako marunong ng moonwalk, at hindi ako nagparetoke ng mukha. Pero sa mga idol ko sa music, idol nila si Michael Jackson, kaya kahit paano diggs ko na rin siya. Tangalin mo lang ang kontrobersya, at niretokeng anyo, maiiwan ang purong talento at pusong mapagmahal. Tao rin naman siya, kaya hindi na kailangan idiin ang kanyang nakaraang kasalanan. Nagtaka ako kaninang umaga dahil sa text ko lang unang nalaman ang balitang pumanaw na siya... may no joke pa talagang nakalagay. Tumungin naman ako CNN, at aba, totoo nga, wala na siya.

Shet.

Yun ang una kong reaksyon, kasi naman nagulat din ako nang namatay din si Farrah Fawcett bago ako natulog. Yun din, hindi naman ako fan pero kilala ko rin siya bilang artista. Aba DOUBLE DEAD, at di lang basta basta, big time, icons ng musika at telebisyon. Parang na-alaala ko yung namatay si FPJ, bigla na lang. At kahit sa kamatayan, may kontrobersya pa rin... haay
Ang hiling ko na lang ay kung nasan man si MJ ay matahimik na ang kaluluwa niya. Buhay siya magpakailanman sa kanyang mga kanta at gawa. Sayang nga na nawala siya ng di ina-asahan, pero ngayong patay na siya, ngayon lang natin naunawaan ang laki ng kontribusyon niya. Siguro malungkot siya nung namatay siya. Sayang, ngayon lang bumuhos ang supporta at pagmamahal. Sayang di rin niya, nasaksihan na kahit hindi siya ganun kabenta ay mas malalim ang kanyang iniwan na impluwensya sa mga tao sa industriya. Pero tama na ang sayang, wala na siya. Kailangan na natin ipagpatuloy ang kanyang magandang halimbawa... kung ano yun... kayo ang dapat makakita...