Blah Blah Blogs! National Mascot este Artist Awards!

ipinapa-abot ng mga alagad ng sinig ang
kanilang pagluluksa sa kamatayan ng sining sa bansa



Napansin ko lang na sa taong ito ang pinakakontrobersyal na National Artist Awards... lalo na sa isyu ng dagdag bawas...gayun din sa qualifications ng mga napiling nanalo...

nakakaintriga rin dahil ang mga napipili sa patimpalak na ito ay makakatangap ng parangal mula sa CCP at iba pang cultural institutions, gayun din ang stipend mula sa pamahalaan. Ang award na ito ay nagaganap sa loob ng ilang taon bago ang susunod na paparangalan.

So ang tanong karapat dapat ba sila sa parangal o talagang may "palakasan" na ginamit para makuha ito...

...

Para sa akin, malaki ang pagkakamali ng pumili sa ilan sa mga National Artist lalo na kay Carlo J Caparas, sinasabi daw niya na nagbigay siya ng trabaho sa mga pinoy... pero alam niyo ba na maraming pinoy strips ang natangal sa inquirer para magkaroon lang ng espasyo ang kanyang drawing na hindi naman pumatok. Isa pa, nag-invest ang gobyerno ng ilang milyon para "irevive" ang kanyang komiks industry, na hindi na naman pumatok, sayang ang pera ng bayan(bumili pa naman ako sa akalang maganda... pero korny eh at hindi kasing astig ng kina larry alcala). Hindi ko rin matangal sa isip ko na magmumudmod siya ng pera sa mahihirap para sabihin "mahal" daw siya, proof is ABS video caparas giving money to an old woman. Vote buying o Pamerienda?

Napintig din ang tenga ko sa sinabi niya sa startalk na "karapat dapat siya at dapat higit pa". Grr... at ang dahilan kung bakit daw siya niyuyurak ay dahil daw mahirap siya...(meh ganun?pero marami ding national artist ang galing sa hirap!), mga elitista ang kumakalaban sa kanya... (so elite na pala ako, hahaha) At hindi ba obvious sa kanya na sinusuka na siya ng mga kartoonista at mga iba pang artist ng bayan, sa mga blogs at strips na pinapublish sa buong pilipinas at sa buong mundo. Nangaling na rin sa bibig ng mga tunay na National Artist ang kanilang saloobin...

AT KUNG TUNAY ARTIST KA, HINDI MO HINAHANGAD ANG ANUMANG PARANGAL KUNDI ANG ALAB SA SINING!

Ang National Artist ay parang proseso ng pagiging santo, dapat salaing mabuti, inaabot ng matagal na panahon. At ang mga pinaparangalan ay hindi inisip noong buhay sila na makuha ang parangal na ito. Delikadesa ika nga...

Dapat maging sensitibo si G. Caparas sa pulso ng bayan, kung yung mga komiks niya ngayon di na bumenta, ibig sabihin naging stagnant lang siya sa style niya, gone are the massacre movies na bida pa si kris aquino. Ika nga, walang permanence, hot item na lang ng nakaraan. Ako, tumatawa pa ako sa mga komiks na gawa noong 1930s at 1950s. At sa tingin ko ganun din ang iba.

Totoo na hindi ko na-abutan ang lahat ng gawa niya... pero nagsimula din ako sa gitna upang pakingan ang panig niya (napabili pa nga ako ng komiks niya di ba?) pero may mali talaga eh at hindi na ito madedeny...


ang haba naman... kaya binlog ko na ... hahaha
for the other controversial National Artist...i forgot her name... I'm still gathering the facts before sharing again ...

GO YELLOW: A Tribute to Cory Aquino...


tie a yellow ribbon 'round the old oak tree..

Nakakalungkot na balita ang sumalubong sa akin sa umaga ng sabado. Matapos ang masayang bonding ng mga kaibigan ko sa SCA, hindi kami agad nakauwi dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan at hangin. Ang akala ko ito ay dulot ng bagyong Jolina. Nakauwi naman ako ng ligtas nung umagang iyon. Nungit sa pagsikat ng araw, tila bumuhos na ang malamig na tubig sa akin. Tumawag ang tita ko, at sinabi na wala na si cory...

Bigla ko ring na-alaala ang ganitong eksena nung namatay ang tatay ko. Sa totoo lang hindi ko pa siya nakausap ng personal. Nakikita ko lang siya from a distance at dun lang. Pero malalim din ang impluwensya niya sa akin dahil sa kanyang pananampalataya. Super Bilib ako sa kanayang aktibo sa simbahan. Kaya nga makikita ang malalim na samahan nila ni Cardinal Sin noon. Sa mga panahon na ako ay dumadaan sa pagsubok ko sa buhay. Maraming instances na may kinalaman si Tita Cory upang maunawaan ko ang kalooban ng Diyos at lalong ibigay ang tiwala sa maykapal. One instance was when I was watching the EDSA people power 1 on TV. Korny, oo... pero naunawaan at napahalagahan ko yung moment na yun.

From a housewife to the precidency...

Hindi inaasahan ni Cory ang ganung pangyayari, sa totoo lang mas ninais niya na maging simpleng maybahay na tinataguyod ang kanyang pamilya. Isang simpleng nanampalataya na nagamit ito bilang batayan sa pagpapalakad ng bansang matinding nasugatan sa madugong mundo ng pulitika. At kitang kita ito kahit sa kanyang pag-upo sa pagkapangulo. Bumaba siya at ipinahayag ang pagiging mapagmatiyag sa kalagayan ng bansa. Hindi niya hinangad ang magtagal sa pulitika, kahit marami na ang umudyok sa kanya.
Tulad ng pangako ko ay naging personal na adbokasiya ang GO YELLOW bilang supporta habang siya ay nasa ospital pa. Mula sa blogs, e-mail, at pictures patuloy ang aking makakaya upang magsolicit ng dasal para sa kanya. Noong nakaraang mga araw din ay kinukuhanan ko ng litrato ang mga lugar na may nakakabit na yellow ribbon. Sa skul, sa kalye, sa mga poste at iba pa. Mula rin sa maliit na bagay, tila may pakonsenya siya sa mga pinoy. Sabi nga "The Filipino is woth dying for", at mula dito, nagbago ang kasaysayan sa pagbalik ng demokrasya sa bansa.
Susubukan kong bukas na makapunta sa kanyang burol sa Manila Catedral at sana mapalad akong makita siya. Di ko rin alam kung dami ng taong bubuhos doon. At sa mga litrato kong nagpapakita ng yellow ribbon, ito na ang aming alay sa kanyang pagiging isang minamahal ang Diyos.
Sa ngayon, patuloy pa rin ako, nawala man siya, ang kanyang gawain na nakaimpluwensya sa kapwa at sa aking bayan. Sanawa ay maipahayag ko ito ng buong puso at may matibay na pananampalataya sa isa sa mga inspirasyon nating lahat.

Eto ang isang dasal niya na tila isang indikasyon sa hirap na pinapasa niya...

Prayer For A Happy Death by Cory Aquino

Almighty God, most merciful Father
You alone know the time
You alone know the hour
You alone know the moment
When I shall breathe my last.

So, remind me each day,
most loving Father
To be the best that I can be.
To be humble, to be kind,
To be patient, to be true.
To embrace what is good,
To reject what is evil,
To adore only You.

When the final moment does come
Let not my loved ones grieve for long.
Let them comfort each other
And let them know
how much happiness
They brought into my life.
Let them pray for me,
As I will continue to pray for them,
Hoping that they will always pray
for each other.

Let them know that they made possible
Whatever good I offered to our world.
And let them realize that our separation
Is just for a short while
As we prepare for our reunion in eternity.

Our Father in heaven,
You alone are my hope.
You alone are my salvation.
Thank you for your unconditional love, Amen.