Si Rizal sa Call Center part 1.1



Part 1.1

"Hello, haw kan I help you?" hindi ko alam kung ako nga ang may problema o mali lang ang narinig nila. Isa pa. "Hi Good Day to you all, haw kan I help you?" Maayos naman hindi ba?
tinignan ko ang orasan... putik! malalate na ako sa interbyu ko! Ano ba yan! baka hindi na naman ako matangap! ang layo pa nang pupuntahan ko. Trapik pa. Diyos ko, ano bang nangyayari sa buhay ko, akit palagi na lang ganito.

Sa pagsakay ko ng jeep patungo ng alabang, nakasalubong ako ng matinding trapik. Sheet naman! palagi na lang ganito, kaya siguro di ako matangap-tangap sa trabaho. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, minsan inisip ko na sana tumalon na lang ako at lumipad papunta sa inaaplayan ko. 10 minuto pa, sa lagay ng trapik may uusad naman medyo matagal nga lang. napabuntonghininga na lang ako. Pero, himala umusad ang mga sasakyan. At unti-unti bumalik ang pag-asa sa aking puso, may oras pa, maychance pa ako, sige lang, wala na sanang trapik.
Yes,dininig yung dasal ko. Isang minuto na lang late na sana ako. Yun nga lang hingal nahingal pa ako pagdatig ko sa receptionist ng kompanya. "Umm...hhhhuhhi I'm here for da interbiew, here is my resumé". "Okay, please just wait until your name is called" pangiting sinabi ng babae sa akin. Napatungo na lang ako sa pagsang-ayon. Napaupo na lang ako sa hilera ng mga upuan , kasama ang ilan sa mga aplikante na katulad ko.

May oras na ako upang huminga, pero bibilis ulit ito sa pagsalang ko na sa intebyu. Hay naku. Bigla naman bumagal ang oras para sa akin sa paghihintay. Bakit ganun? bakit kung kailangan ko ng oras laban sa trapik parang ang bilis ng oras. Isa pa hindi pa nagtetext yung gf ko. Akala ko full support siya sa akin, ang tinext lang niya sa akin yung mga quotes na "God Bless", "Have a nice morning", at "Mwah". Oo nga nagtetext siya pero lalo lang yata akong kinabahan, ewan ko, basta bahala na...

Lumabas ang isang babae na may dalangmaraming papel, "Attention, people please proceed to the interview room over there. Okay, let's start...Marcus, uhmm... De Escueta, Padilla, Saliente,..."

Sapat na sa akin na marinig ang Saliente, hindi ko na iintindihin ang pangalan ng iba pa, lalo lang akong kinakabahan. Kahi man sa pangngalan mas nais kong tawagin sa aking apelyido, Saliente, magaling. Hindi kasi ako naging magaling sa anuman, sa pag-aaral, sa sports, wala nga akong talento na maipagmamalaki. Buti na lang may babae pang nagmahal sa akin, hindi ko nga lang alam kung mahgal niya ako sa aking buong pagkatao o mahal lang niya ako dahil naawa siya sa akin. Sa pagbangit ng babae ng pangngalan ko buti hindi niya ako tinawag sa aking unang pangngalan, baka lingunin nila ako. Pero kahit anuman ang gawin ko, hindi ko pa rin maikakalila ang aking tunay na katauhan...

"Please sit down. Now please introduce yourself one by one, then desribe someting about yourself. Is that okay?" Wika ng interviewer na kamukha ni Jessica Soho, pero may boses ni Sharon Cuneta. Sino ba ang una... teka ako yun ah!? Bad trip! Ayoko ko ngang mauna, parangnagpakamatay ako, lalo na wala akong magaya ng style sa pagpapakilala. Bigla na lang nagalanko ang utak ko. Pero kailangan kong sumagot, kung gusto ko ng trabahong ito, bahala na si Batman.

"Hi, Hello... My Name is Rizalino Salinete, you could call me Rizal for short..." Matapos nun hindi ko na maalala ang nasabi ko nung oras na iyon. Nalaman ko na lang ang realidad ay nang makaupo na ako. No Saliente

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment