nakakaintriga rin dahil ang mga napipili sa patimpalak na ito ay makakatangap ng parangal mula sa CCP at iba pang cultural institutions, gayun din ang stipend mula sa pamahalaan. Ang award na ito ay nagaganap sa loob ng ilang taon bago ang susunod na paparangalan.
So ang tanong karapat dapat ba sila sa parangal o talagang may "palakasan" na ginamit para makuha ito...
...
Para sa akin, malaki ang pagkakamali ng pumili sa ilan sa mga National Artist lalo na kay Carlo J Caparas, sinasabi daw niya na nagbigay siya ng trabaho sa mga pinoy... pero alam niyo ba na maraming pinoy strips ang natangal sa inquirer para magkaroon lang ng espasyo ang kanyang drawing na hindi naman pumatok. Isa pa, nag-invest ang gobyerno ng ilang milyon para "irevive" ang kanyang komiks industry, na hindi na naman pumatok, sayang ang pera ng bayan(bumili pa naman ako sa akalang maganda... pero korny eh at hindi kasing astig ng kina larry alcala). Hindi ko rin matangal sa isip ko na magmumudmod siya ng pera sa mahihirap para sabihin "mahal" daw siya, proof is ABS video caparas giving money to an old woman. Vote buying o Pamerienda?
Napintig din ang tenga ko sa sinabi niya sa startalk na "karapat dapat siya at dapat higit pa". Grr... at ang dahilan kung bakit daw siya niyuyurak ay dahil daw mahirap siya...(meh ganun?pero marami ding national artist ang galing sa hirap!), mga elitista ang kumakalaban sa kanya... (so elite na pala ako, hahaha) At hindi ba obvious sa kanya na sinusuka na siya ng mga kartoonista at mga iba pang artist ng bayan, sa mga blogs at strips na pinapublish sa buong pilipinas at sa buong mundo. Nangaling na rin sa bibig ng mga tunay na National Artist ang kanilang saloobin...
AT KUNG TUNAY ARTIST KA, HINDI MO HINAHANGAD ANG ANUMANG PARANGAL KUNDI ANG ALAB SA SINING!
Ang National Artist ay parang proseso ng pagiging santo, dapat salaing mabuti, inaabot ng matagal na panahon. At ang mga pinaparangalan ay hindi inisip noong buhay sila na makuha ang parangal na ito. Delikadesa ika nga...
Dapat maging sensitibo si G. Caparas sa pulso ng bayan, kung yung mga komiks niya ngayon di na bumenta, ibig sabihin naging stagnant lang siya sa style niya, gone are the massacre movies na bida pa si kris aquino. Ika nga, walang permanence, hot item na lang ng nakaraan. Ako, tumatawa pa ako sa mga komiks na gawa noong 1930s at 1950s. At sa tingin ko ganun din ang iba.
Totoo na hindi ko na-abutan ang lahat ng gawa niya... pero nagsimula din ako sa gitna upang pakingan ang panig niya (napabili pa nga ako ng komiks niya di ba?) pero may mali talaga eh at hindi na ito madedeny...
ang haba naman... kaya binlog ko na ... hahaha
for the other controversial National Artist...i forgot her name... I'm still gathering the facts before sharing again ...