Showing posts with label Else De Guzman. Show all posts
Showing posts with label Else De Guzman. Show all posts

Lovi Poe gaganap bilang isang gang rape victim sa Magpakailanman ngayong Sabado


Ngayong Sabado (March 2), inihahandog ng Magpakailanman ang kuwento ng buhay ni Elsa De Guzman, ang babaeng simple lang ang pangarap sa buhay – ang iahon ang pamilya sa kahirapan – ngunit mababago ang lahat sa isang malagim na insidente.

High school lang ang tinapos ni Elsa kaya limited ang mga trabahong pwede niyang pasukin. Sinubukan niyang maging katulong, ngunit hindi rin nagtagal ay iniwan niya ang trabahong ito para mamasukan bilang kahera sa isang pizza parlor. Dito niya naging matalik na kaibigan si Vivian.

Salta lang si Elsa sa bayan kung saan nagta-trabaho at para makatipid ay nakitira siya sa apartment ni Vivian. Maayos ang samahan ng dalawa. Tahimik ang kanilang pamumuhay na umiikot sa trabaho at pag-iipon. Magbabago lang ito nang isang gabi, may kaibigan si Vivian na magyayaya sa kaniyang birthday party.

Win a shopping spree worth up to P100,000 from PLDT Home

Summer is the perfect time to upgrade your home, shop for school or work essentials, or simply stock up your pantry. This summer, PLDT Home ...