Blah Blah Blogs: NABULABOG ANG ZODIAC UNIVERSE!




Tila nabulabog ang ang Zodiac universe sa pagsali ng Ophiucus sa horoscope. Pero sa totoo lang, matagal na palang nakapwesto dun ang constelation ngunit hindi na ito na-consider na mapabilang sa super elite group ng zodiac. Ang ibig sabihin ng Ophiucus ay "serpent-bearer" at hawak nito ang Constelation na Seprens. Ngunit kahit kadikit na ito ang iba pang signs ay hindi na ito binilang. 

Kailan lang ito napagusapan muli nang nabangit sa isang pagaaral na nag-'shift' ang posisyon ng mundo sa kalawakan matapos ang ilang dang siglo at dapat na daw ibilang ang Ophiucus sa zodiac. At sa ganitong pangyayari, makaling shift din ang naganap sa zodiac dates at horospope. Pero paliwanag ng mga Astrologers, hindi naman sa posisyon ng mga bituin nababatay ang horoscope at astronomy kundi sa pwesto ng mga planeta na bihira naman magpalit ng pwesto sa labas ng kanilang orbit.

Kung gayunman, nakaktuwang isipin na marami ang nahumaling dito, parang nung isang linggo lamang ay nataranta ang marami sa pagkalat ng balita na mawawala na ang Facebook sa March 15. Kahit ako ay muntikan nang mapaniwala dito dahil sa galing ng pagpaliwanag sa mangyayari at sa gawa-gawang interbyu kay Mark Zuckerberg. At dahil sa mga balitang ito, marami ang naguusap at naniniwala na sa katapusan ng mundo sa 2012.

Well since napagusapan na natin ang bagong Zodiac sign kuno, pagtripan este pagusapan natin ang inyong magiging kapalaran sa taon na ito lalo na sa mga nagbago ng zodiac sign dahil sa pasaway na si Ophiucus!
Una, check pala natin kung ano na ang bagong sign mo bago mo basahin ang kapalaran ( see chart A)

Chart A
ARIES - APRIL 19 - MAY 13 
TAURUS - MAY 14 - JUNE 19
GEMINI - JUNE 20 - JULY 20 
CANCER - JULY 21 - AUG 9 
LEO - AUGUST 10 - SEPTEMBER 15 
VIRGO - SEPTEMBER 16 - OCTOBER 30 
LIBRA - OCTOBER 31 - NOVEMBER 22 
SCORPIO - NOVEMBER 23 - NOVEMBER 29 
OPHIUCHUS - NOVEMBER 30 - DECEMBER 17 
SAGITTARIUS - DECEMBER 18 - JANUARY 18 
CAPRICORN - JANUARY 19 - FEBRUARY 15 
AQUARIUS - FEBRUARY 16 - MARCH 11 
PISCES - MARCH 12 - APRIL 18

Aries
Love: Sige, ikaw na yan!
Money:  Ay, ikaw lang yan...
Career:  ikaw ba yan?

Taurus
Love: Marasap mangarap ano?
Money:  Magdala kagi ng calculator
Career: Ano nagsisisi ka na ba?

Gemini
Love: I-handa ang love songs, at pumili ng theme song niyo
Money: Alam mo madaling maubos na ang isang libo
Career: Balik na lang ikaw sa probinsya at magtanim

Cancer
Love: Aba bakit nagseselos ka, wala ka namang jowa
Money: Nanalo ka ba ng lotto? ay ... false alarm
Career:  Nagtugma ba ito sa kinuha mong kurso?

Leo
Love: Uy! Bakit bumibili ka ng Love enhancement pill!?
Money: handa mo na bang i-labas ang piggy bank mo?
Career:  Hindi ka keyboard, wag shift ng shift!

Virgo
Love:  Sorry Virgin ka pa rin...
Money: Magtayo ng negosyong skrambol
Career: Ay meron ka pala nun?!

Libra
Love: Timbangin kung sino sa kanila... ang mas mataba
Money: Mag aral muna ikaw ng accountancy...
Career: Magreresign ka na naman?!

Scorpio
Love: Sundin ang love story ng Alakdana sa GMA 7
Money: Habol mo ba yung bagong design ng pera?
Career: Define career.


Ophiucus (aka. Zuma)

Love:  Love niya ang love handles mo!
Money:  Aba pa-starbucks na lang ikaw
Career: Sa panahon ngayon dapat karir ng karir


Sagittarius
Love: steady lang period.
Money:  ilan libo piraso ba credit card mo?!
Career: Magturo ng English, mas malaki ang kita


Capricorn
Love: Bakit ang haba ng hair mo?
Money: Mahal ang pag rebond ng kilay noh?
Career:  Magreresign ka dahil mahirap sumakay?!

Aquarius
Love: At kanino ka naha-high?
Money: Huwag halikan ang pera, hindi dyan ang syota mo.
Career: Mahirap magtayo ng bahay gamit ang Lego!

Pisces
Love: Marunong ka palang mag compsoe ng love song!
Money: Ang pera hindi ginagawang confetti....
Career: Maraming career ang naghihintay sa CityVille sa Facebook.

At mula dito ay sana ay naliwanagan kayo sa inyong kapalaran na hindi din dapat iasa lamang sa mga bituin kundi sa ating sarili na rin di ba? At kumunsulta sa suking astrologer at huwag sa mga manghuhula sa quiapo. Isang palala mula sa mas pinabongang bonga at major major na Blah Blah Blogs 2011!  

No comments:

Musica FEUROPA: Going Strong On Its 13th Year

A Decade And Three Years Of Music, Harmony, And Legacy MUSICA FEUROPA, the annual national choral festival of Far Eastern University with th...

ADSENSE