Blah Blah Blogs: Ang Tunay na BBB!


Unang una, nais ko sabihin na ang nag-iisa at walang katulad na BBB ay walang iba kundi ang BLAH BLAH BLOGS! Halos malurkey na ang buong blog world dito sa Pinas sa pagsulpot ng issue ng Big Bad Blogger, nung una ay hindi naman siguro kailangang pagusapan pa ang ganitong balita dahil medyo madalas na mangyari na ang  mga ito, ngunit sa pagkakataon na ito, napansin ko sa loob lamang ng kaunting panahon, tulad ng apoy ay kumalat at lumaki na ito hanang nakaabot sa sa iba't ibang sulok. Nahihiwagaan pa rin ang karamihan, kasama na ako sa tunay na Big Bad Blogger (ayokong isulat na BBB dahil blah blah blogs ito, oks lang kahit mag type pa ako ng extra).  

Nagsimula nga ito mula sa isang article ng Sunday Inquirer Magazine ni Margaux Salcedo tungkol sa isang food blogger na konektado sa isang PR firm na pumunta sa isang restaurant at   sumisingil ng  P120,000,000 para hindi ito mag blog ng masama laban sa restaurant. Hindi pinangalanan ang blogger at PR na ito sa artikulo ngunit nang mabasa na ito ng mga blogger na tulad ko ay nagkaroon ng maraming spekulasyon kung sino ang tinutukoy sa balita. Naunang pinagkamalan si Anton Diaz ng Our Awesome Planet ang Big Bad Blogger ngunit nilinaw na hindi siya iyon sa kanyang website. Marami pang mga pangalan ang sunod sunod na pinagkakamalan at nadadamay sa isyung ito. 

Marami na rin ang nagaapela sa sumulat na i-bigay na ang pangalan ng Big Bad Blogger at ang mahiwagang PR na ito. Kung sa bagay, tulad ng blind items sa showbiz apektado ang maraming taong pasok sa category (may SLR camera, may food blog, at kilala) na ito. Sa palagay ko dapat nga na bigyan ng linaw na ito nang matapos na ang maraming spekulasyon at katakot takot na usapan ukol sa isang blogger na nagbahig dungis sa matapat at malinis na propesyon ng blogging. 

Bilang isang blogger, oo na mali ang gawain na ginawa ni Big Bad Blogger at ng mahiwagang PR sa restaurant ni Georgia lalo na na malaking halaga ang nakataya. Pangalawa, kahit paano ay naging paalaala din ito sa mga blogger na huwag abusuhin ang pribelehiyo ng pagiging bagong media at impluensya sa masa. Maliit o malaki man ang pangalan sa blog world ay dapat mas manaig na purpose kung bakit tayo nagba-blog: ang i-express ang sarili natin gayundin ang ating nararanasan sa mundong ito. 


Well, para sa akin mainam na dapat tapusin na ang isyung ito at maliwanagan na ang lahat lahat. Nasasayang ang oras, kuryente at characters na sana ay nailaan natin upang makabigay impormasyon, magturo, mang-aliw, magbigay tulong at saya sa ating mga mambabasa. 

Mensahe ko kay Big Bad Blogger at ang mahiwagang PR firm, nakita niyo ang reaksyon ng buong bayan ng blogs at dapat matakot at mahiya kayo sa inyong gawain na hindi katangap tangap kahit kayo man ay pangalanan man o hindi.  Isa din akong food blogger, at kahit paano ay affected din kami sa ganitong pangyayari. Nakakalungkot  ngunit mahalaga na maitama ang mga gawain na hindi kanais nais.

Sa kapwa ko bloggers, lagi nating tatandaan ang ating kapangyarihan sa internet na siya ring malaking impluwensya sa sambayanan. Mabuti na mabilis at handa tayo sa makibahagi sa takbo ng mundo, pero lagi nating tatandaan ang mas masaya na magblog ng tunay na mula sa iyo at hindi ang hangarin na manira ng kapwa. Idealistic ba? Sana hindi naman.

Oops, naparami ata ako (grabe sa pagka-affected?!) pero ito kasi ang tunay na saloobin ko, ang tunay na ako, ang tunay na BBB... Blah Blah Blogs!


No comments:

Tate McRae drops highly anticipated debut album, i used to think I could fly

Multi-platinum selling singer/songwriter/dancer Tate McRae releases her highly anticipated debut album, i used to think i could fly today vi...

ADSENSE