Carmela Lorzano, nagwaging Sing Galing Year 2 ‘Ultimate Bida-Oke Star’

Matinding paSINGlaban ang naganap sa katatapos lang na Sing Galing Year 2 ‘The Kantastic Finale’ noong Disyembre 10 kung saan itinanghal bilang bagong Ultimate Bida-Oke Star ang Echan-teen Diva ng Batangas na si Carmela Lorzano.

Isang pangmalakasang performance ng “You’re My World” ang ipinamalas ni Carmela sa unang round, pagkatapos ay nagtapat naman sila sa Trio-Oke Round ng “Nightingale Medley” of Lani Misalucha songs nina Joy Escalante at Rachelle Cardenas. Sa huling paSINGkatan, nagtagisan ng galing sa Kantastic Showdown sina Carmela at Joy sa isang makapigil-hiningang “Sabihin Mo Na” at “Hindi Tayo Pwede” mash-up.

Nagwagi si Carmela bilang Sing Galing Year 2 grand champion at nag-uwi siya ng mga premyong home and living essentials package, family staycation package, kaSULITbahay package, brand new car, at tumataginting na 1 million pesos!

Merry naman ang Pasko ng mga Kaawitbahay dahil extended ang kantawanan sa Sing Galing Pasko-Oke Special. Dalawang linggo na puno ng kantahan, kaSINGyahan, pamimigay ng regalo, at engrandeng SINGlebrasyon ang hatid ng buong Sing Galing Family. May handog ding Christmas presents si Genie para sa mga Kaawitbahay, kabilang na rito ang limang brand new motorcycles!

SINGuradong special ang Pasko sa Sing Galing Pasko-Oke Special, kaya tutok na sa sa Sing Galing tuwing Monday, Tuesday, at Thursday, 7PM, sa TV5.

No comments:

Post a Comment

Get ready to laugh, cry and be inspired by the global box-office sensation YOLO, which starts its regular cinema run in the Philippines on April 17.

YOLO tells the story of Leying (Jia Ling) who has been staying at home for many years, doing nothing in particular. After graduating from co...