Blah Blah Blogs! Of Palms and Anime...


Of Palms and Animé
palm sunday special

Today , April 5, 2009 , is actually a jam-packed day. There were a lot of events that happened on this day in which, I haven't attended one of them. Last Friday after I was invited to see a movie at Gateway, they also gave me an invite to go to the Fort for the Fast and Furious show , however I got up late with no choice to attend the two other events I have planned on that day; Palm Sunday and the Ozine fest '09 at the megamall. Since I love to attend mass at the megamall (the Chapel of the Eucharistic Lord), it was also a good chance to attend the cosplay event just a few steps away. Of course, I have to attend mass first, especially its holy week. I have planned this week for months so I could really concentrate on doing reflections and blog them. And there are still a lot of hindances along the way, we cant escape that, but we could do something about that.
I was pleased by the homily of the priest for the Gospel, in which he specified "God will do something, even if we remain silent". Meaning, kahit hindi man natin ipahayag sa salita ang ating nais, alam na ng Diyos ang gagawin. Nang pumasok siya ng Jerusalem, alam na niya ang sasapitin niya, at hinarap niya ito ng buong tapang. Sana din daw ay magsilbing hamon sa atin ito upang nagkaroon ng kabuluhan ang ating buhay. Pinaalala pa nito ang kahalagahan ng pagsisikap at sakripisyo, na tulad ni Jesus ay naging tapat at kinaya ang lahat upang bigyan ang mundo ng pagkakataon ng kapatawaran at kaligtasan.
Natapos ang misa ng marami akong baon para pag-isipan, totoo nga ang sabi ni father.

Sa kabilang banda, kahit medyo fresh pa ako sa simbahan, bumalik ako sa cosplay. Natuwa naman ako dahil kahit sa loob may mga nagdala ng palaspas, pero syempre para sa hindi nakacostume. Na kahit may ganitong event hindi nila nakalimutan ang kahalagahan ng araw na ito. Ngayon, tungkol na sa tunay na sitwasyon ko sa cosplay ay tila isang wandering ghost na wala nang ibang kaibigan kundi ang dalawang ka-opisina na napadaan din. Mas kaunti lang ang cosplayers ngayon, wala namang pasok at sabi nila National Cosplay daw ito, kaya inexpect ko na super siksikan, pero hindi naman. Marami pa naman ang mga tao, tila bitin nga lang. Hindi ko lang kung bakit. Sa katapusan ng araw(o gabi) sa cosplay, talagang naghintay ako baka nabunot ang pangalan ko sa raffle. Well, asa naman ako, malay natin. Sa kabuuan, na-inspire na naman ako sa pagmamahal ko sa drawing, anime at japanese culture. Pero sa ngayon mas mahalaga ang pag-tingin sa sarili upang tayo ay bigyan ng inspirasyon upang maabot ang mga pangarap natin.

Kung papipiliin ako, Palaspas ako, hindi lang naman ito sanga, ito daw ay commitment upang maging luwalhatiin ang diyos sa paraan. At eto yun.

Bukas ay Lunes Santo at magpapatuloy ang ating paguusap ng iba't ibang bagay ngayong kuaresna. Kaya tumutok lang.

Blah Blah Blogs!

Blah Blah Blogs! comes home...
after a year and a half, Blah Blah Blog return where it started...


Blah Blah Blogs will be posted on the blogspot but will be echoed on multiply. But this does not mean there will no post in multiply. Sabi ko nga, i-eecho ko dito kaya dont fret citizens! Huwag mag-panic! Huwag mag... mag...simula ng rebulusyon ( malay natin, baka magyari pero sa ngayon asa ako). And for today's episode, bawi-bawi muna ako sa mga araw na hindi ako naka-blog dahil sa pagiging abala ko sa KRISIS! Komix (insert image here). At tinamaan kaya ako ng e-bola recon salmonela, at hayun, tinamad ako. HOWEVER, since we left so mant things in this past days, we have a lot in store for today. Earth Hour, Krisis! Komix, Free movie plus a wonderful night with people in different media.



Last March 28, millions of people in the world observed EARTH HOUR. An hour of helping mother earth by doing a gesture to save energy by simply switching off the light or any appliance that is not is use. And actually we filipinos made a big contribution to this event, since there were a lot of cities and communities that participated for this cause ( we also participated, even it was just for fun, we actually helped a lot if you look at it in a bigger scale). This day was also important for me since this was also the debut of my comic. KRISIS! Komix. And even it was just a one-hour event, its actually cool and fun, and feels like camping (oops be careful with those candles!) So, the event is over, but what do you do now, wait another year? Be practical people, Its really cool to save energy. Saves you money in bills, and makes you a contributor (no matter if you just turned off one switch or a city) in saving our only earth.


Konek naman sa earth hour ay ang KRISIS! KOMIX na ang current comics na ginagawa ko habang avail. Well, it was actually my dream to have one, and here it is...Kung napansin niyo ito site at nabasa niyo na ang ilan sa mga strips, well I hope more people will be able to see it and make comments. Alam kong marami kayong masisita dito, yung pagka-edit, dialouge at yung quality, pero I hope in the next issues to come ay mayroon big changes, hopefully mapublish ito sa kahit anong print media (siguro it would take some time kasi marami pa comics ang dapat kong i handa if ever). Also there are also I wish to clarify about KRISIS! Ang pagkakilala sa kanya ngayon is komix, which I believe is a nice way to categorize new pinoy comics, so far ang kikomachine komix (asteeg!), ang orig na nagsimula nito. At kaya ang pangngalan nito ay Krisis dahil nabuo ang concept niya nung nagsimula ang Global Financial Crisis. Well, wish me luck guys, and hope you would meet all the characters in these komix.



Yesterday I won tickets to see The Fast and the Furious at the Globe Platinum Cinema at Gateway. It was amazing since I just responded to a contest posted by the BNO boys. I was entitled a pair of tickets, unfortunately, I went alone. Well, actually when I got there, the tickets were given by Mojo Jojo himself! Sweet! I really liked Mojo for his personality. Also I've made friends with media people and other bloggers. And the movie was a blast! check out my review about that. I really enjoyed the movie especially your in that special cinema (ooh the feel of the LAZYBOY still lingers...the popcorn...the drinks...). And the night doesn't there, we also ate dinner at Rasa, and there I was able to talk with my fellow movie goers. Also with us was JINKY ODA, the endorser of GLUTAMAX. She was very nice, and also gave me some samples. And if you would notice, she is the only endorser I know that has proven the results. I saw her a long time before and absolutely her skin was whiter (while the other brands got endorsers who were already white). So I would like to thank the people I met yesterday ( I apologize, I forgot some of your names, I am really bad with names :-P ) But I really had a wonderful time, I hope to see you on the next event!




Insomnia - Craig David



Proud to be Brown Presents ...The Speaks!


The Speaks were in Manila but I missed the event. HOWEVER, I still love their songs!
And the great thing is their members are Filipino(well most of them)! Actually it was been a while since we heard from them, but their music has permanence! I can still feel shivers while listening to them. I haven't got their album, but hope I would have one soon. So be proud to be brown!

Salamat Francis M.

Alam ko na hindi masyado malakas ang tinig ko para maipahayag ang nasasaloob ko sa mga bagay lalo na sa ating bayan. Isa akong "sino" na bahagi lamang sa mga sumasabay sa agos ng lipunan, pumilit mang kumawala o mag-iba ay hindi ko rin maggawa. Sa totoo lang ako ata ang pinakaboring na tao sa Maynila. Walang kabuhay buhay at hindi pinakikingan. Marami akong gustong gawin pero takot na takot ako na sumubok. Ito ang buhay ko noon, at lingid sa lahat na kung ano ang aking nagagawa ngayon at maabot ko pa ay pinasasalamatan ko kay Francis M.

walang biro.

Sa totoo lang hindi ako rapper, wala din akong tato ng araw at bituin, hindi ko saulado ang bawat liriko sa kanta niya. Pero nagkasundo kami sa mga hinahangad sa buhay. Ang mabuhay ng masaya, mapayapa, ipakita ang pag-mamahal sa bayan at ibahagi ang talento sa iba. Pangarap ko nga noon ang makasama siya, kung sakali, sa pagkanta o sa pag-hohost kung maging artista man ako. Pero sa paglisan niya, titiklop ba ako? babalik ba ako sa dati?

Hindi, dahil si Kiko patuloy na lalaban

At kaya siguro nandito ako, kami, ang mga nabigyan ni Kiko na buhay at inspirasyon na ipagpatuloy ang aming mga pangarap. Upang ipagpatuloy ang nasimulan niya. Anuman ang medyum na gamitin namin, awit, rap, sulat, teatro at iba pa. Para siyang butil, na kailangang mamatay upang sumibol ang isang bagong bunga, at mamunga pa.

Maraming magpapatotoo sa sinasabi ko, kahit ganito ako, isang hamak na tao. Pero sana tulad ni Kiko may naitanim ako sa inyo, hindi naman kailangan ng maraming ingay. Sana ay maramdaman mo ang kanyang mensahe.

Mahalin ang iyong pamilya
Mahalin ang bayan
Mahalin ang iyong talento at ibahagi
at higit sa lahat mahalin ang Diyos na nagbigay buhay sa atin.

ito ang ibig sabihin ng tatlong bituin at ang Araw...

Sapat na Ganti

Badtrip...
Tama na... ayoko na...
Hindi dapat pigilan, awatin, maging malabanan
Dapat isawalat, ipahayag at pakalatin
Ilabas ang nasa damdamin, ibulalas ang galit
Tungkol sa mga taong sumugat sa akin
Sa sobrang gigil gusto ko siyang tadtarin
Hiwain ng pinong pino, dikdikin tulad ng bawang
Kurutin sa singit, kilikili, at tagyawat
Pisilin hangang lumabas ang dugo, laman at balun-balunan
Gawing isaw at kanyang kolon
Ihawin ang atay at katawan at punuin ng latay
Isabit sa building, ihulog sa bangin
Talagang walang hiya! Anak ng pating!
Kung buhay pa siya, 'wag nang maawa
Sa matador pakihiwang mabuti
Ilagay sa rice cooker at lutuin ... Ting!
Ayos na, kung naisin ay litsunin
Sa nagbabagang impyerno at
Banlawan sa Dagat Antartiko
Tapos ihain sa mga leon, oso, at lobo
Ang natira pakain sa aso, pusa at daga
At lahat sila ay patulugin at tuhugin
Pa cremate at ilibing sa landfill
Gawing dyamante, LPG at krudo
At ibenta sa murang presyo
Ako nama'y biglang yaman
Sa mundo ako ay magtu-tour around
Iisa-isahin bawat lugar sa planeta natin
Pag-iisahin ang nagawa, ikuwento ang sarili
Patuloy sa pagyaman at siya'y kalimutan
At biglang sabihin sa sarili
"Sige, patawarin na kita,
Bago maumpisahan ang aking naisipan
na nais gawin upang mawala ka"
Cool...
Ang Balagtasan ng Makata at ng Rakista
Ni FPJ Jr.


Isang araw nagkita ang dalawang magkaibigan
Isang makata at rakistang para sa isang balagtasan
Nagsimula ang kanilang baliktaktakan
Kahit walang lakandiwa sa kanilang pagitan

Aba kaibigang rakista, handa ka na ba?
Para sa ating makabuluhang kabanata?
Balagtasan na magiging tunay na mabunga
Batid ko na ikaw ay nakahanda

Wala akong pakialam sa ‘eyong kalokohan
Mas gusto ko na sumama sa rakrakan
Kaysa sa walang kwentang balagtasan
Kung Puwede lang ‘etol ako'y pabayaan

Ngunit ito ay bihirang pagkakataon
Nagyon ay napakaganda ng panahon
Ang iyong isipan ay huwag mong ikahon
Sana ay magsilbi itong hamon

Sige, pagbibigyan kita kahit sandali
Pero huwag kang magkakamali
Kapag ako na bad trip at matulili
Baka ang buhay mo’y madali

Kaibigan huwag kang marahas
Ang nais ko lang sa sandaling lumipas
Ay magkaroon tayo ng talastas
At 'wag galit ang ibulalas

Ay ewan! Bahala ka na sa buhay mo
Alam mo naririndi na rin ako sa iyo!
Kung makitid lang ang utak ko
Nilitson na kita kanina ng buo!

Maraming talata ang nasayang
Manging oras lumipas parang sandali lang
ni isang paksa ay walang ideyang naisilang
pasensya ko na rin ay nabibilang

Eh kasi naman pareng makata
hindi sa balagtasan ang isang rakista
oo sanay nga kaming tumula
pero pasigaw kasama ang ngalangala

aba ako’y rakista rin sa baro ay salat
sa kakasigaw ng damdamin ako’y minamalat
kaya ako’y mayroong laging baong salabat
sana sa aking mga salita mata mo’y namulat

‘tol sa katunayan wala talagang rambol
Sa katunayan, tinitingala kita bilang utol
Makata ka nga at yan ay kaya mong idribol
Nabigla lang ako dahil sa mga sulsol

Pasenya na rin rakista aking kaibigan
May natutunan rin ako sa’fting balagtasan
Magkaiba man ang buhay na ating napamarisan
Magkakasundo rin tayo sa maraming dahilan

Sige ‘tol sa tingin ko’y sisibat na ako
Nalaman ko rin na napaka-astig mo
Hala, kaibigan salamat sa papuring biro
Paalam katoto, salamat na rin sa iyo

-fin-

Oda sa Friendster



Ito ay parangal sa mga nakibahagi sa isang sulok ng cyberspace

Ang masa na nagpayabong ng pagkakaibigan
Sa ibang level na samahan at chismisan
Maging higit lima o nasa umpisang taon pa lang

Kung dati ang hinihingi ay testi
ngayon comment na lang hinihingi
At sa bawat araw gusto mo palagi
iba ibang tao sa sa 'yo ay babati

Kung nahihiya sa sariling itsura
anime o artista ang ibabalandra
Kahit na sa totoo'y hindi mo kamukha
keri lang lang yan, ikaw na ang bahala

ano nga pala ang status mo?
Single , in a relation ship o it's complicated
kasing kakomplikado ng nakalagay sa profile mo
Kahit shoutout mo, quote na hindi sa iyo

Mula sa bugnuting piling kulay
hangang magcustomize na para mong bahay
Ipapakita talaga ang style mo sa buhay
basta 'wag lang masabi ang profile ay matamlay

Sa kulturang pinoy tila bahagi na ito
sa araw araw binibisita parang santo
Mas minahal ng pinoy kesa ng mga kano
myspace ang sa kanila pero dito hindi uso

Ikaw ano ba sa iyo ang friendster?
Bahagi ba o buhay mo na ito?
Syempre ang sagot niyo ay ewan ko
Hindi ko naman pinipigilan kayo

Hindi naman masama ang makipag-kaibigan
Pero ano ang halaga kung 'sang libo ang kaibigan mo
Ngunit ni isa hindi ka lubusang kilala
Sana ay hindi maging ganun

Si Rizal sa Call Cnter 3.1



"SAN MIGUEL CLEANERS" Ito ang kompanya ko ngayon. Ang ahensyang naglilinis ng maruming kapaligiran, ang nag-aayos ng matinding kaguluhan at ang isa sa mga hinahamak at minamaliit na trabaho sa bansa. Ang pagiging janitor.

Hindi ko rin lubusang maisip kung bakit ito ang kinuha kong trabaho. Dapat nga ay nasa Call Center na ako ngayon... pero kung sa bagay, isang call center nga ang pinagtratrabahuan ko ngayon. Yun nga lang hindi ako kumukuha ng tawag, kinukuha ko lang ay yung mga basura nila. Maskit man isipin na ako ay ganito, medyo nasisiyahan na rin ako dahil at least nasa call center na ako. At mayroon na akong trabaho upang pantulong kay nanay.

Sa pagdaan ko sa napakaraming cubicle ng telepono, kompyuter at walang tigil na nagsasalitang mga tao, napapaisip ako kung ako na yung nakasalang doon. mautuwa kaya ako o magsisisi? Marami ang naglalakad, marami ang nagsasalita, palipat lipat ang ilan. May ilan tila beterano na sa pagsasalita, pero may ilan din na halata ko na medyo kinakabahan pa. Malaki ang "compound" ng kompanya. At syempre hindi ko naman sakop ang lahat nito, kabilang lang ako sa isang parte nito.

Malaki ang utang na loob ko kay Ser Jun, ang tanong nagbigay sa akin sa oportunidad para sa kasalukuyang trabaho ko. At dahil nasa isang buidling lang kame, ay lagi kami nagkikita. Sa bawat araw ko sa Kol Center ay naramdaman ko na hindi na ako makakasubok o maging isang agent. Sa tuwing nakikita ko si Ser Jun may binibigay siya sa akin, mga DVD na Inglish. Ayaw ko man tanggapin dahil parang sampal sa akin ang karanasan ko, lagi akong pinapalahanan ni Ser Jun na tiyagain kong panoorin ang mga ito dahil papasok din ito sa utak ko. Bibigyan naman niya ako ng pagkakataon muli sa interview kapag handa na ako. Basic lang naman ang kailangan kong masterin at kahit bisaya ang punto ko ay mawawala din yan ayon sa kanya, purong bisaya rin pala siya.

Araw araw nanonood ako ng DVD na english. At sa mga gabing iyon, naghahanda na ako ng pamunas, ihinahanda ko na sa pagdurugo ng utak ko. Ginagaya ko minsan ang mga dialouge, "You can't understand me, look into my heart... ". Sa totoo lang, tama nga si Sir, may pagbabago nga. Pero hindi madali sa simula dahil iba nga ito sa nakasanayan ko. Pink...Fili...Philippines...tree.. three...Pi...Finish...amazing...Thank you.

Mahigit isang taon na ako sa Call Center, pero janitor pa rin. Malaki naman ang tulong sa akin ng indirect training sa english. Hinihintay ko pa rin ang pagkakataon ni Sir Jun na mag-interbyu sa akin muli. Pero pinapaasa niya lang ba ako o ginu-good time. Ayaw ko na ata umasa. I need to say goodbye to this dream

Nagulat na lang ako isang araw nang sa halip na DVD ay isang sulat ang inabot sa akin ni Sir Jun. Akala ko termination paper. Huwag naman, wala naman akong ginawang masama sa pananatili ko...teka... English Course ....tama ba ang basa ko? 1 week ... with allowance.. Muy Saliente!

At alam niyo na ata ang susunod pero ikukuwento ko na rin. Matapos ang isang linggong training pinasubok ako muli sa application at sa interbyu. Kinabahan ako uli, parang mauulit lang ang nakaraan. Hindi pa ata ako handa... bumabalik mule ang nakaraan kong gawain...Filippines...tree tausand...thenk u... ngunit hindi ko pa nabuksan ang aking bibig... at naalala ko ang DVD na napanood ko, nawala ang kaba ko, napa-sigh ako at nag simula sa pag-introduce sa aking sarili. "Hi, my name is Rizalino Saliente, you could call me Rizal for short.." at matapos nun ika nga, the rest is history..

Nais Kong Maging Hapon




Nais kong maging Hapon
Isang hapong ‘di marunong mag- Filipino
Hapon na hindi alam ang Pilipinas
Nihonjin sa puso at diwa

Babad sa teknolohiya ng Akihabara
Maging ninja, Maglaro ng Shougi
O magtsaa sa bundok Fuji
Isang aktibong deboto ng Shinto

Maglaro ng yelo sa Sapporo
Sumakay ng Shinkansen Araw-araw
Mabakasyon sa Naha sa tag-init
Maging samurai at mag-hara kiri

O di kaya ay gumawa ng manga
Anime, Hentai at Sentai
Magsulat ng Kanji
Katakana, at Hiragana

Magbilang ng Tenki, Gatsu at Jikan
Magbilang ng Yen at sen
Magbabad sa mga onsen
Manood ng No at Kabuki

Bumati ng Konichiwa
Magpaalam ng Sayoonara
Kumain ng Ramen at Takoyaki
Yakisoba at Shushi

Mamasyal sa Okinawa
Sa Lungsod ng Nagasaki at Nara
Magdrive ng Honda at Toyota
Sa mga lansangan ng Shibuya

Ngunit bakit kailangan kong maging hapon?
Upang masayang buhay ay magkaroon
Mangibang bansa para makisama
At mabuhay upang lunukin ang kanilang kultura

Pinoy na nga ako noong isinilang
Ngunit kaunlara’y sa ibang bayan ay nakita
Na nais ko rin tuklasin at maranasan
Ang kanilang mga bagay na sa aki’y nagpahanga

Hindi ko lang nais maging hapon
Maging Kano ay ninais ko na rin
Malay, Intsik, Thai, at Europeo
Lahat na ng lahi, wag lang Pilipino

Bakit di ko ba mahal ang bayan ko?
Dahil wala ba dito ang hinahanap ko?
O hindi sapat ang mayroon dito?
Sa tingin ko, ang mata ko’y bulag

Sanay na kasi ako sa mabigat na trapik,
Pandesal, itlog at dyaryo
Sa dumadaan na puto at taho
At sa mga tao nagtratrabaho

Sawa na yata ako sa ating mga tanawin
Na bundok, dagat at buhangin
Sa mga bagyo na may kakatuwang pangngalan
At sa Lupang HInirang na aking kakantahin

Ngunit nais ko palang maging pinoy muli
Kumain ng Balot at sumakay ng Jeep
Makipagbalagtasan, Makipagtsimisan
Magtext ng walang hangan

Balikan ang Boracay, Palawan at Cebu
Lumamon ng pulutan at tumunga ng beer
Makipatintero, Mag-arnis at escrima
Bumati ng Mabuhay at Kamusta

Akala ko na ang pinoy ay bunga lang
Ng pinaghalong kastila, kano at hapon
Lagyan ng ibang sahog
Hayan! Pilipino ang tawag diyan

Yun pala nasilaw lang talaga ako
Sa kinang at ganda ng bansa nila
Tama nga ang mga siinabi nila
“Kay tagal mong nawala, babalik ka rin”

Yun pala ang pinoy, sa una’y bansa’y itatakwil
Pero kinalaunan matututo itong mahalin
Nais ko pa rin na maging Hapon
Pero higit na nais kong maging Pilipino

Blah Blah Blogs! -praktis edition-

Hay naku, nais ko na talagang magkaroon ng sarili kong laptop, kahit PDA man lang para maisulat yung mga nasaisip ko saaraw-araw. napapansin ko na tila nadadala lang ng hangin yung mga iniisip kong mgaideya at kwento na nais kong maisulat. inusumpong nga ako ng sakit ng mga manunulat, ang pagnanais sumulat ng wala sa oras at lugar. Isa pa, hindi ko pa naman ito ang pangunahing pinagkakakitaan ko, hobby pa lang ika nga. Pero ayon nga sa isang fan ni Jessica Zafra, (translate ko lang sa tagalog, nakaka-nosebleed kasi) Kung ang pagsusulat ang hanapbuhay mo, kailangan mong gawin ito dahil sa mayroong deadline. Pero kung gusto mo lang ang magsulat, bihira na ang magkaroon ng isang inspirasyon upang makasulat ka ng minsan sa loob ng isang buwan.
Actually nakakafustrate talaga ang ganung kalagayan, pero sabi ko nga, sakit nga ito, may lunas ngunit maaring bumalik pa rin. Dapat nga ay natatapos ko na ang kalahati ng libro ko pero tila wala akong oras para bigyan ito ng pansin. Maraming pag-eedit, proof reading at surveying pa ang ginagawa ng utak ko para mahikayat ang aking atensyon para sa pagsusulat. Sakit rin yata naming mga writer ang pag-eexpect sa ano ang magiging reaksyon ng tao sa gawa namin. Matutwa ba sila, o magagalit ba sila? Maihahtid ko ba ng tama yung nais kong iparating o baka ma-misinterpret pa nila. Tuloy sa huli, tenga pa rin. Heto na ang mga gagampa, sasaputan na yung gawa ko.
In fairness, mahirap talagang makakuha ng inspirasyon. Kung kailangan mo ng reference, kailangan mo pang mag-research, syempre. Pero minsan, ang experiences ko sa araw-araw ang nagiging inpirasyon ko. Kung mayroon man akong nais na italakay na hindi ko naranasan, nakikinig ako sa kwento ng ibang tao, pero sinisigurado ko na totoo naman ito at hindi kathang isip lang nila. Kung gayunman, sana sila na lang ang naging writer.
Mayroon pa pala akong hindi pa nararanasan, ang matangihan ng publisher. Kasi nga bago pa lang at wala pa akong compilation na maaring ilimbag, eh wala nga akong alam na pulisher, maliban na lang sa multiply ay blogspot, free zone. Pero kung umabot na ako sa ganung level, OK lang sa akin na matangihan sa una, ika nga nila, try and try util you die. Parang sasabak lang ako sa rebulusyon ng Katipunan.
Natutuwa ako sa mga taong may naisulat na libro, kahit na ung binebenta sa bangketa na "abakada" book, astig kasi dahil naisulat mo ito sa papel at marami ang gumagamit nito. Yun nga lang nanatili ba sa kanila? Mas natutuwa ako sa mga libro na mayroong magandang kwento at pilosopiya ng ekpresyon ng damdamin nila, liberal ika nga. Pero minsan na tuturn-off ako sa mga librong masyadong minamarket tulad ng Harry Potter at Da Vinci Code, na bumenta dahil sa kontrobersiya at hindi sa laman, minsan ginagawa pang pelikula pero kulang sa orihinal na libro. Hindi naman sa ayaw ko sa kanila, pero parang nahaharangan na kasi yung ibang libro na maganda rin ngunit hindi masyadong napakilala.
Moving on, wala na pala akong oras para mag blah blah blog. Kainis no? nambibitin pa ako pero hindi ko makakalaban ang oras, kailangang sumunod... next taym pramis
Sige...