Siguro dumaan din sa iyong kamalayan
kung gaano kahalaga ang ating kalayaan
Kalayaan kung saan tayo umunlad at mapayapa
Siya ring kalayaan na natuto tayong umasa
Hindi ba sumagi sa iyong isipan
kung ang bayan natin ay sadlak pa rin sa digmaan
patuloy ang hidwaan at di pagkakaunawaan
kay dami nang dugong dumanak at dumaan