BLAH BLAH BLOGS: Anong Pake Mo Sa Kalayaan?


Siguro dumaan din sa iyong kamalayan

kung gaano kahalaga ang ating kalayaan
Kalayaan kung saan tayo umunlad at mapayapa
Siya ring kalayaan na natuto tayong umasa

Hindi ba sumagi sa iyong isipan
kung ang bayan natin ay sadlak pa rin sa digmaan
patuloy  ang hidwaan at di pagkakaunawaan
kay dami nang dugong dumanak at dumaan


At ikaw, oo ikaw na nasa loob ng pader ng pag unlad
Ano ang iyong ginagawa o naitulong sa bayan upang ito'y umusad?
Puro reklamo at pasaring ang laman ng iyong pangugusap
pero tunay ka bang nagmamahal sa bayan, o dahil araw ng kalayaan lamang?

Sumubok ka bang alamin ang ating kasaysayan?
Panitikan, Pilosopiya, at Agham?
Baka sa buhay ng mga bayani ka lang naiintriga
pero ang kanilang gawa na iyong nababalewala

Sabi mo'y "Anong pake ko sa Kalayaan?"
Sabi ko'y "Dahil ikaw ay may salita"
kung di ka malaya, alipin ang iyong bagsak
o di kaya'y opinyon mo'y sa iyo ay magsasadlak

Kalayaan ay isang pangangailanan sa buhay
Higit sa pagkain, tubig o bahay
Kung di ka malaya saan ka aabutin?
Kaya 'wag kalimutan ang kalayaang ibinigay sa atin.

No comments:

Post a Comment

The World’s No.1 AI Camera Phone: HONOR Magic6 Pro is confirmed to arrive in PH!

Experience magic this May with the multi-awarded HONOR Magic6 Pro, an AI camera phone with 5 DXOMARK Top 1 Labels! #HONORMagic6Pro The leadi...