Blah Blah Blogs! I want Noy-body, nobody but you!


Hindi pa nga tayo nakakarecover sa pagkawala ni Tita Cory, isang malaking hamon na naman ang hinaharap ng pamilyang aquino at siguro ng bayan na rin ang panawagan upang tumakbo siya sa eleksyon bilang presidente. Kamakailan lang ay nagpahayag si Mar "Padyak" Roxas na isa sa pinakamatunog na tatakbo sa panguluhan. Naganap pa ito sa Club Filipino na siyang lugar kung saan nanumpa sin si Pangulong Aquino. Kinabukasan, nagpahayag naman si Noynoy ng kanyang naramdaman sa matinding sakripisyo ni Mar. Pero nag-iwan din siya ng tanong kung talagang tatakbo ba siya. Sabi nga ng senador ay abangan na lamang ang kanyang pasya matapos ang kanyang "retreat" sa mga carmelite sisters sa Zamboanga at matapos din ang ika-40 na araw ng pagpanaw ng Pangulong Aquino. Ngunit walang espesipikong araw kung kailan ang kanyang huling pagpapasya.
Tama nga naman na magbigay ng oras si Senador Noynoy ukol sa pasyang ito. Dahil nga hindi biro ang posisyon ng presidente. Ayon nga kay Kris Aquino, naranasan na nila ang malakanyang at di madali ang hamong ito. Banat pa nga niya, dapat maging single lang siya dahil sa maraming dahilan at may kinalaman na naman kay Joshua na umano ay na high blood. Ang kanilang panganay ay napasabak din sa interbyu na halos napaiyak dahil sa tindi ng tanong at tenyon at atensyon na nakukuha ng kanilang angkan. Kaya halata sa kanila ang isang matinding pressure bilang pamilya ito. Mabuti naman at napakatatag ni Noynoy, na nagiisang anak na lalaki ng mga Aquino, na tila mas lumabas na panganay sa kanila at naging sandigan nilang magkakapatid.
Sa ngayon iba iba ang ginagawa ng mga tagsupporta ni Noynoy tulad ng pagngangalap ng signiture campaign, pondo at mga sulat ng supporta upang makumpirma na ang kanyang pasya ukol dito.
Oo nga pala, si Mar Roxas, kahit na umatras na siya matunog pa rin siya na magiging bise dahil pareho naman silang nasa partido liberal. Si Sen. Francis "Kiko" Pangilinan na nauna nang nagpahayag ng kagutuhan na tumakbo sa bise, nagdadalawang isip na rin. Gayun din sina Gov. Panlilio at Padaca na nagpahayag na tatakbo kung walang karapat dapat na kandidato bilang alternative candidate. Tila nagsisimula na ang drama at komedya sa pulitika na parang isang telenobela...
Sa ngayon, kailangan nga lang nating maghintay at magbantay sa mga kandidato. Dapat tandaan din ni Sen. Noynoy na ang cory magic ay hindi kayamanan na pwedeng ipasa sa kanya dahil ito ay ine-earn. Marami pa ang aabangan... marami pang shocking revalations... andun din ang mga ka-lokang statements ni Kris Aquino, ang buong showbiz community at ang buong bansa...

susunod! Now na!

No comments:

"Tenet" Uses Sci-Fi Elements to Reinvent the Spy Genre

Most people see time as an unalterable dynamic of our existence, but in the hands of filmmaker Christopher Nolan, it becomes a compellingly...

ADSENSE