Blah Blah Blogs! State of the Nation Address...


"I did not become President to be popular. To work, to lead, to protect and preserve our country, our people, that is why I became President. When my father left the Presidency, we were second to Japan. I want our Republic to be ready for the first world in 20 years." - President Gloria Macapagal Arroyo

Its the time of the year that we've been waiting. Its not a holiday nor a party, its the State of the Nation Address of the president, which sould be her last one, again is heard troughgout the nation and the whole world. Similar to the State of the Union Address in the United States. This event is actually included in the constitution. In which the situation of the republic should be reported. As usual also is the rants, raves, and praises from various groups, politician, and even the common tao. In the past SONA of PGMA, she would always present her achievements for the nation. As an economist, of course the speech is almost about the situation of the economy.
It started with a few seconds of silence to pray for the former president, Corazon Aquino. After that the ambiance begins to change. According to her, the economy has been stable and also there were progress in various sectors that is what she say are "proofs" of economic progress. Also what left a mark in me was the quotation above. Meaning she did a good job and stayed to be a busy president at the cost of her approval rating from the masses. Well, she was right about that one, however for me and even analysts say that the SONA lacks sincerity and also other elements that the people really wants to know. One of which is if she would completely step down from office after her term next year. Also her speech was also filled with words against her critics, most of them former allies. No names were mentioned, but the public knows who they are. It seems the speech was her way to fight back in the word wars.
Later within this day the Catholic Bishops Conference of the Philippines gave a statement about the SONA. Their verdict, GMA is lying. She may impress the audience with economic achivements on a macroscale, which could not be understood by the average pinoy, however failed in showing what the people really are experiencing today. We must take note that the CBCP did told the public to listen to the SONA before criticizing. Which they (and us too) did. Note that even religous leaders do see flaws, visble and big flaws in the regime.
Summing everthing here, we do see old, ugly things that remains unchanged or even got worse. There are some good news, but its not enough o its very unnoticed by the public itself. Puns were obvious and fierce against critics but failed to see its own weakness and never aknowledge that situation. Probably out of pride or the security issues what they are very much afraid of. NO, I am not happy with the SONA. Rather it seems more like a variety show entertaining the masses on an afternoon, yet not interesting enough to think that these are the real situation of the nation.
Actually, I do like GMA in her habits and ideas. She does on the spot inspection and criticizism with her subbordinates just to make it right. She is very hard working and very idealistic with project that are really good for the economy. Like giving bitter medicine to his son, she made those efforts just to keep the economy afloat. However, her power was used to be abusive to clear her name, used the position as a business opportunity, and is likes to keep things in secret. I did not feel sincerity in her infamous "I am sorry" speech. With countless files of corruption and human rights abuse, Its not right to jst say the economy is OK or better. So where do I stand. Just like Aristotle, I stand on the middle first but seeing and observing these reasons, I am now glued to be an opposition, yet I am not for any party. But to be probably with the side of the Filipinos, which are the people that we true heroes that saved us from damnation. Hope we see a new face with a better strategy for the country.

Mabuhay ang Pilipinas!

Blah Blah Blogs: Ayoko ng Chacha! hmph!


Siguro tama lang naman ang maki-alam sa bayan kahit isa ka lang simpleng mamayanan. Yan ang paniniwala ako, kasi kung lalaki tayong walang pakialam, wala tayong sisihin sa huli kundi ang ating sarili. Hindi naman ako aktibista, isa lang akong simpleng pinoy (slash) blogger. Pero mula sa munti kong blog ay nais kong maipahayag ang aking pag-tutol sa CHACHA. Hindi pa ito ang tamang oras at ito'y ginawa sa paraan na hindi kaaya-aya sa damdamin ng masa. OK naman ako sa pagbabago yun lang dapat sa mga kailangan ng bansa ang ating tutukan, dahil kahit baguhin man natin ang struktura ng gobyerno ng kahit ilang libong beses, kung bulok pa rin ang pamamahala nito ay balewala. Kaya mahalaga rin pagsabihan ang ating mga solon na maging boses talaga ng masa at hindi dahil kakampi nila ang makikinabang.
Nakablog na naman ako dahil ito nga daw ang araw upang ipahayag ang pagtutol sa chacha sa pamamgitan ng internet na sa ngayon ay isang mahalagang paraan upang mahikayat ang ating mga kababayan para sa ipaglalaban para sa ikabubuti ng bayan. Sa tingin ko, hindi ako makikita sa mga rally o semminar tungkol sa isyung ito dahil sinisikap ko rin na maging kapakipakinabang na mamayanan ng Pilipinas. Pero bilang isang blogger, alam ko na ang aking mga pananalita ay maaring makaimpluwensya o makamulat ng mata ng ating mga kababayan sa talakayang ito.
Hindi ko na rin kailangang isa-isahin ang detalye ukol dito dahil sapat na ang ating nakikita at nalalaman ukol sa kalgayang pulitikal ng bansa. Hindi tayo magpapaloko. At isa pa, marami din mga blogs at website para kumuha ng mga impormasyon dito. Kaya ang hangad ng blog na ito ay nag-aanyaya na maging mulat, totoo at maging sinsero nawa ang mga tao upang makibahagi sa kalagayan ng bansa. Marami pa rin kasi ang wala nang gana o kusa upang maki-alam sa lagay ng bansa. Masarap din sa huli na may ginawa kang isang mabuting bagay kahit ito ay maliit, kaysa hindi ito gawin at pagsisihan sa huli.
Ano pa man, may pag-asa pa rin ako na dapat manaig ang nais ng bayan na tutulan ang ganitong pangyayari. Tandaan tayo ay nasa demokrasya, na sa atin dapat ang kapangyarihan sa bansa at ang nasa pamahalaan ay nangakong maging lingkod ng bayan.

Blah Blah Blogs: GO YELLOW!


GO YELLOW!

tie a yellow ribbon 'round the old oak tree..


Sabi daw nila, ang dilaw ay simbolo ng kaduwagan, isang kulay ay nagsasabi magdahan dahan, mag-ingat ika nga. Ngunit kadalasan ang dilaw ay may kinalaman sa katingkadan ng kalooban. Hindi ba't ang ginto ay parang dilaw din kung tutuusin? At sa ating kasaysayan, naitatak na ito sa ating henerasyon at sa kasaysayan bilang kulay ng paglaban, pananampalataya, at katatagan.
Ngayon ay nahaharap sa isang matinding pagsubok ang pangulong aquino. Mula nang malaman ng bayan ang kanyang problema sa kalusugan hangang sa mga oras na ito, siya at patuloy siyang lumalaban. Ka kabila naman ng ganitong pangyayari, may mga tao pa rin na lumalapastangan sa sitwasyon tulad ng mga pekeng text sa umano'y pumanaw na daw si Tita Cory.
Hindi ako kamag-anak, ni kailbigan ng pamilya Aquino. Hindi rin ako taga-Tarlac, pinapahalagan ko siya dahil sa pagiging totoo niya sa kanyang sarili at manindigan para sa katotohanan. Mula sa isang maybahay ng isang bayaning senador ay ipinakita niya ang kanyang potential sa pamamahala ng bansa. Sa tingin ko, siya ang unang ina ng bayan. Sino ba ang maymasasabi na masama sa kanyang buhay. Isang masigasig na Katoliko, Ina sa kanyang mga anak. At pagmamahal sa kanyang mga nakakasalamuhang mga kababayan at kaibigan.
Ginawa ko ang Blog na ito, upang maging testimonya nawa ito sa kanyang impluwensya sa bansa at sa mundo. Ang kampanyang GO YELLOW ay bilang supporta sa kanya at pagpapalaganap nito sa internet. Sana sa mga sumusunod na araw ay mas mahabang bahaginan ang mailagay ko dito bilang pagkukunan ng inspirasyon. Marami na rin ang gumawa ng kanilang paraan upang makibahagi sa dating pangulo. Sa facebook, twitter at maging sa mismong website. Kaya sabay-sabay pa rin ang panalangin sa kanyang paggaling at ang kanyang halimbawa ay manaig sa atin bilang pilipino.

GO YELLOW!



Blah Blah Blogs ... the curse of FACEBOOK...


unang una, add niyo ako sa facebook sa may link sa babang gilid...

ngayong friends na tayo sa facebook ...
isang trivia lang din... ang pinaka una kong post sa blogger ay nangyari ng March 31, 2003... so mga 6 years na... bago pa lang ang blogger nun... so whats my point... yabang lang, pero totoo at wala naman akong nasasaktan na tao di ba?

sige lets continue...

kung may FB (facebook) account ka na, malamang mas tumatagal na ang pananatili mo sa computer... may mga ilang beses na nasunog ang sinaing niyo... sa school o sa trabaho, iniisip mo kung paano ka makakalevel up... ang mafia wars? Barn Buddy? Farm Town? Restaurant City? At marami pang iba. pansin niyo rin ang tagal ng post ko ulit sa blogger ko di ba? Pero binigyan ko uli ng pagkakataon ang pagbalik sa sinimulan ako, syempre ang Blah Blah Blogs!
Hindi naman natin kinukondena ang facebook, sa katunayan nakakatulong nga ito para ma promote ang site na ito! Malaki din ang tulong nito upang makita ko ang maraming long lost friends... joined the TEN group... organized SCA... promoted events... won gift certificates...the possibilities are increasing everyday! I hope this site wont be forgotten easily, and I see no reason para umalis.
Ang tanong naman ay kamusta na sila friendster? Multiply? Nag-upgrade din sila dahil sa kompetisyon... pero wala pa rin, nilalangaw na nga eh... halos lahat ng contacts ko ay nasa facebook na, lalo na may chat function kaya nalaos din ang YM...pero dahil hindi naman lahat naka facebook, may laban pa sila.
May laban na rin ang plurk at twitter... ano pa kaya ang maibibigay ng internet sa atin kinabukasan. Basta, magugulat na lang tayo...BOO!

Blah Blah Blogs: Tribute to Michael Jackson...


Sa totoo lang hindi ako die hard fan ni Michael Jackson, pero gusto ko yung mga kanta niya. Di nga ako marunong ng moonwalk, at hindi ako nagparetoke ng mukha. Pero sa mga idol ko sa music, idol nila si Michael Jackson, kaya kahit paano diggs ko na rin siya. Tangalin mo lang ang kontrobersya, at niretokeng anyo, maiiwan ang purong talento at pusong mapagmahal. Tao rin naman siya, kaya hindi na kailangan idiin ang kanyang nakaraang kasalanan. Nagtaka ako kaninang umaga dahil sa text ko lang unang nalaman ang balitang pumanaw na siya... may no joke pa talagang nakalagay. Tumungin naman ako CNN, at aba, totoo nga, wala na siya.

Shet.

Yun ang una kong reaksyon, kasi naman nagulat din ako nang namatay din si Farrah Fawcett bago ako natulog. Yun din, hindi naman ako fan pero kilala ko rin siya bilang artista. Aba DOUBLE DEAD, at di lang basta basta, big time, icons ng musika at telebisyon. Parang na-alaala ko yung namatay si FPJ, bigla na lang. At kahit sa kamatayan, may kontrobersya pa rin... haay
Ang hiling ko na lang ay kung nasan man si MJ ay matahimik na ang kaluluwa niya. Buhay siya magpakailanman sa kanyang mga kanta at gawa. Sayang nga na nawala siya ng di ina-asahan, pero ngayong patay na siya, ngayon lang natin naunawaan ang laki ng kontribusyon niya. Siguro malungkot siya nung namatay siya. Sayang, ngayon lang bumuhos ang supporta at pagmamahal. Sayang di rin niya, nasaksihan na kahit hindi siya ganun kabenta ay mas malalim ang kanyang iniwan na impluwensya sa mga tao sa industriya. Pero tama na ang sayang, wala na siya. Kailangan na natin ipagpatuloy ang kanyang magandang halimbawa... kung ano yun... kayo ang dapat makakita...


AKO MISMO... a good advocacy or just a venue to sell dog tags?

Siguro aware naman kayo sa AKO MISMO, yung commercial na lumabas sa laban ni pacquiao at hatton. Maraming artista. At bawat isa ay may saloobin ng kanilang gagawin para sa bayan. Actually, I did register sa site na yun, just to join in the cause for doing something for the country. Wala naman problema sa kanilang ginagawa dahil totoo naman, ang bawat isa ay may dapat gawin para sa bayan para sa ikabubuti nito. Medyo na-iintriga ako sa statement nila, yung dogtags. Sa totoo lang, maganda yung design at cool nga siyang tignan (kasi naman sa commercial black and white). Personally, sa mga taong nagregister o sumama sa advocacy, hangad lang ang dogtags... siguro dahil ito na ang next fashion statement. Hindi naman nagiging makabayan ang isang tao sa mga dog tags (na actually hindi libre at ilalaunch pa sa june 12 daw). At hindi rin malinaw sa mga ads o maging sa website kung ano ang pwedeng gawin ng indibidwal para sa pagbabago. Ano ba ang tangible o intangible results na gusto nilang mangyari. Maraming pera ang ginastos sa ads, sa paggawa ng dog tags, at pagbuo ng website, tapos ano?
Bakit hindi nila gayahin ang Gawad Kalinga, hindi naman sila nag-ad nung nilaunch yun, as in volunteers lang ng CFC at networks ang nagbuo noon at pagdaan ng panahon ay mas lumaki at na fefeel ng mga participants ang spirit ng bayanihan para mabigyan ng pabahay ang mga mahihirap. Yun sa akin ang mga advocacy na very successful in the past few years lang.
Hindi ako galit sa bumuo ng konseptong ito, pero tila maraming butas ang nakikita ko at lalo lang naliligaw ang tao dahil ang tanong AKO MISMO ANONG GAGAWIN KO? Ako rin hindi ko alam kung saan magsisimula.
Siguro ay kailangan talagang bigyan ng malinaw na vision ang advocacy na ito, oo marami namang tao na gumawa ng mga bagay na nakatulog sa bansa, eh paano ang nakararami?
At sa kikitain nila sa dog tags (kikitain syempre dahil magagamit ito bilang pondo para sa samahan, hindi naman masama unless gamitin sa ibang "project") saan ito mapupunta? sino ang mga beneficiaries? kasama ba dyan ang paglaban sa Global warming?
Paano kung magsawa ang tao sa dogtags kasi hindi na uso, patay na rin ba ang advocacy? Baka maging ningas kugon after ilang months o sa isang taon lang.
Sabi nga sa milo, great things start from small beginings, why not start off quietly but effectively. Baka kasi pagwala nang nag-ad o fashion statement, hindi na tangkilin ng masa yan. Likas naman sa pinoy na maging makabayan, pero para manatili sa kanya ito ang hamon sa atin.
Sa totoo lang din, may kumalat pang balita na ginagamit lang daw ang samahang ito para daw sa eleksyon, data base ika nga. Pero sa tingin ko, hindi naman siguro. Bukod sa GK, marami pa akong alam na mga organizations and movement na kahit sa maliit na komunidad ay malaki ang pinagbago ng kanilang lugar. Kung meron man makabasa nito mula sa AKO MISMO, bukas naman kami sa inyong paliwanag, tila marami kasing tanong na hindi nabibigyan ng linaw.
Hindi ko kailangan ng dog tag para sumama sa kilusan ng pagbabago. Dapat may Impluensya, charismatic words na tatatak talaga sa tao at hindi entertaiment lang. May Vision, ano ang specific outcome, malinaw na target at mga gagawin upang maabot ito. At Transparency kung saan at sino ang mga makikinabang. Hindi ba yan ang gusto natin sa gobyerno?
Bilang pagtatapos, sana hindi samantalahin ang magandang layunin na baguhin ang bansa na magsisimula sa bawat isa. Mahirap talaga, di biro na magbago ang puso mo at maging mabuting mamayanan. Pero kapag naglaon at naging habit na natin ang mga mabuting gawa, maipapasa natin ito sa susunod na henerasyon, siguro wala namang kokontra dyan di ba? At sana ang blog na ito ay hindi naman sinisiraan kayo, kundi ipakita ang mga bagay na kailangan ng paliwanag.

yey!


may LSS pa rin ako ng careless whisper...

may LSS pa rin ako ng careless whisper...

ang kanta sa mga careless na kumuha ng scandals
ang anthem ng mga careless sa bayan
ang himig ng mga taong may "guilty" feet na walang rhythm
oo madaling mag prentend, pero anong akala sa atin, fool?
tila whisper lang ang katotohanan, was the music seem too loud?
or you want to loose the crowd.
Sabi nga, I'll never dance again,
bakit marami pa ang gusto mag chacha?
maybe its better this way
But We'd already hurt each other with the things we'd say
at sa ingay ng tugtugin
hindi na natin namamalayan, ang mainit na tag-ulan dahil sa global warming
ang kakulangan ng gamit at titser sa mga paaralan.
dumadami na ang kaso ng H1N1.
habang busog ang mata natin sa skandalo
ang tyan ng marami nating kababayan ang kumukulo
lahat nais magmalinis
lahat nais magpanda ng imahe sa bayan
para sa anong dahilan?
oops! hindi ako careless...
whisper ko na lang


Careless Whisper (Live with Dave Koz) - Regine Velasquez

Win a shopping spree worth up to P100,000 from PLDT Home

Summer is the perfect time to upgrade your home, shop for school or work essentials, or simply stock up your pantry. This summer, PLDT Home ...