Blah Blah Blogs: Pasko na! Boom Tarat Tarat!

Mula sa mga manunulat, editors, scriptwiters, lightmen, soundmen, PAs, make-up artists, sponsors, contributors, fans, stalkers, guests, mangers at executive producer ng Blah Blahh Blogs, kami (ako) ay bumabati sa lahat ng tao sa buong sangkatauhan sa kadaigdigan ng maligayang Pasko at masaganang Bagong Taon sa inyong lahat.

Hep hep hep! hindi pa tapos ang taon, pero gusto kong batiin kayong lahat upang kahit paano ay maramdaman niyo naman ang diwa ng pasko. Iwasan na ang pagiging depressed at 'wag kariririn ang pagiging SMP. sinasaktan niyo lang ang sarili niyo. Sa mga kapwa kong agents at mga nagtratrabaho sa call centers at 24 hour never-we-will-we-close stores tulad ng Mcdo at Starbucks, mas masayang isipin na ang araw na ito at double pay.

Hindi ko na uubusin ang oras ninyo dahil maari niyo na itong ilaan para sa inyong mga kaibigan at pamilya. Enjoy lang kahit sa dami ng pinagdaan natin sa taon na ito ay marami pang rason upang maging masaya at ipagdiwang ang araw ng kapanganakan ni Jesus!

Hinay hinay lang sa pagkain at inom
Huwag muna magpaputok, bagong taon pa yun teh!
Mga ninong at ninang magtago na kayo, bwahahaha!

Merry Christmas!

No comments:

Post a Comment

National Filipino Food Month: How foodpanda bridges cultures and cravings nationwide

April in the Philippines isn’t just about welcoming the sweltering summer heat, it’s also about celebrating something that’s close to every ...