Part 2
Natapos na ang interbyu. Tulad ng dati, lagpak. Ang sabi nila sa akin marami daw akong dapat pagbutihin at ayusin,tulad ng pagbigkas ko, halata daw na bisayan aksent ko. Pati daw grammar ko, mailito daw ang kustomer. At isa pa daw ang sagot ko sa ilan tanong ay sabog sabog. Sus Ginuo! Ano ba yang pamantayan nila! Hindi naman ako perpektong tao! Bakit ba kailangan ng ganung mga pamantayan, eh sasagot kalamangng tawag, di ba? Kung may pera lang kami, sana ay nag-aaral pa ako hangang ngayon. Pero hindi eh, mahirap lang kami, ito ang katotohanan.
At bakit ba dito (Call Center)? Kasi "sabi" sa akin ito ang usong trabaho at hindi na kailangan na makatapos ka ng kulehiyo. Di naman ako mapili sa trabaho, lalo na kailangan namin ng pera. Kung iniisip niyo kungbait ayaw ko ng service krew sa fastfood ay dahil nabaon kami sa utang sa pagbabayad ng nawalang pera sa kahera na duda ko yung manigir ko ang kumuha. Dahil dito, hindi ko na napagpatuloy ang kurso kong narsing. Naisip ko ring mag-care giver, pero wala na kaming pera para sa pagte-training ko at placement fee. Sabi ng mga kaibigan ko na pumasok na lamang dito kasi, yun nga. Tapos di ko na kailangan na umalis ng bansa. Makakahalubilo daw ako ng mga mayayaman ay sosyal na tao, yun nga lang hindi rin ako ganun. Sabi rin nila na kapag nakapasok ako dito, matututo ako sa kultura ng mga Amerikano. Kaya nga nung mga unang araw ng pag-aaplay ko ay bumili pa si Nanay ng mga DVD na Inglis para matuto daw ako, kaso nga lang hindi ako natuto, dumugo lang ang ilong ko.
Parehong bisaya ang mga magulang ko. Kapwa taga Cebu, na lumuwas ng Maynila upang makipagsapalaran. Hindi kami pinalaki sa pagsaslita ng Inglis kundi bisaya. At ano ba ang makukuha namin kapag nagsasalita kami nun, wala di ba?
Hirap pa rin ako makaintindi lalo na kapag Inglis ang usapan. At batid ko na hindi talaga ako matuto kapag wala akong kausap ng diretsong Inglis? Magulang ko? Mga Kapatid ko? Kaibigan? Maging gf ko nga hindi ko kinakausap ng Inglis, sa tixt lang siguro..
Pero ang mahalaga ay ang makakuha ako ng anumang trabaho, 'wag lang yun nabangit ko. Malapit na kaming putulan ng kuryinte at tubig. Maging an g renta sa bahay ay pinagbantaan na kami na umalis kaagad kung hindi kami makakbayad.
Kung pwede lang magmakaawa, sana ginawa ko na sa interbyu, matangap lamang ako. Pero wala talaga akong magawa kundi ang magbuntong-hiniga. At magdasal na sana ay may milagrong magyari sa akin, makapulot man ng limpak na salapi, o tumama sa lotto.
Isang araw habang patungo ako sa department store ng isang mall upang maghanap ng trabaho, ito man ay maging saleman o tindero, Ok lang sa akin. malayo pa lamang ay nagdadasal na ko na mayroong bakante sa kanilang bulletin board. Ngunit habang palapet na ako sa department store ay mayroon akong nakitang pamelyar na mukha. Tila naklala ko na siya noon, pero di ko maalala. Teka... Oo nga! Siya yung nag-interbyu sa akn noong isang araw sa isang call center na malapit lamang. Nang makita niya ako, kaagad niya akong nakilala, di ko alam kung bakit sa lahat ng mga taong tinatanong niya nalala niya ako.
"O, musta? di ba ikaw yung nag apply ka sa amin noong isang araw di ba? Nakahanap ka na ba ng trabaho?" sa kanyangpagbigkas ng Tagalog natuwa ako at hindi ako duduguin sa pagsagot sa Inglis. "Di pa po eh. Eto nga po eh, naghahanap po ako ng dito sa mall, nagbabakasakali na may trabaho akong makuha dito" may pakiramdam akong sana ay matulungan niya ako sa pag-bukas muli ng kaso ko sa kanila. "Talaga?, well di kta matutulungan dahil hindi ka nga pumasa sa interview namain" sa pagbangt niya nito, gumuo na ang panibagong pag-asa ko ngunit may humabol na pasalta, " Pero kung gusto mo talaga ng trabaho, marami kaming kailangan sa maintainace namin... dun sigurado matutulungan kita, yun ay kung hindi ka mapili...
"TRABAHO?"... napaisip ako kaagad... deal or no deal? Tila nagbago ang kapalaran ko, nilalapitan na ako ng pagkakataon, magulo ang isip ko, hindi ko alam kung sasagot ako agad o mag-iisip ng matagal. "OK lang po hindi naman po ako mapili"
No comments:
Post a Comment